Sabong sa Pinas, Kaya nga bang Pabagsakin?

SHARE:

                                        Hindi kaila sa atin na marami ring tutol o kumakalaban sa sabong. Para kasi sa kanila ang sabon...

                         

              Hindi kaila sa atin na marami ring tutol o kumakalaban sa sabong. Para kasi sa kanila ang sabong ay isa lamang bisyo o sugal. At ang paulit-ulit nilang pinagkakadiinan na isa itong kalupitan sa hayop.  Naniniwala kasi silang ‘di dapat pinagsasabong ang mga manok. Kahit alam naman nilang likas na sa mga manok ang makipaglaban sa isa’t isa. Kahit naman ‘di mo naman lagyan ng tari ay maglalaban pa rin sila.

                Oo nga’t kung titingnan ay may kasamang sugal ang sabong. Pero ‘di naman ibig sabihin na purong sugal nga ito. Kahit naman ang ibang sport gaya ng basketball  o ‘di-kaya’y boxing mayroon ding nangyayaring pustahan d’yan? Kaya’t ano ang pinagkaiba nito sa sabong kung may involved na pera?  Kung tutuusin, nagsisilbi lang naman pampagana ang mga papremyo o tayaan sa sabong. Napakaboring naman ng laro kung walang pabuya. Nasa tao na rin mismo kung gusto niyang magpasira sa sugal. Importante lang ay marunong kang magkontrol. Kung ano lang ang sobrang pera ay ‘yun lang ang gamitin sa sabong.

                ‘Di rin kaila sa atin na may mga grupo na gustong magpabagsak ng sabong sa Pilipinas partikular na ang mga animal rights group. Gusto nilang magaya ang bansa natin sa Amerika kung saan ay nagawa nilang ipatigil ang sabong. Kahit sa Mexico o sa mga bansang may sabong ay nandoon ang kanilang presenya. Sasabihin ng iba r’yan na malayong mangyari sa Pilipinas ang nangyari sa Amerika dahil napakalakas ng sabong sa atin. Alalahanin na bago huminto ang sabong sa Amerika ay napakasigla rin ng sabong doon. Ilang pa nga sa naging mga president nila ay mga sabungero. Pero ano’ng nangyayari? Mag-breed na lang ang puwede nilang gawin, ni mag-spar ng manok ay ipinagbabawal. Kumbaga, hindi dapat magpakampante. Huwag hahayaan na makaporma nang husto ang mga animal rights activists dito sa atin.

                Sinasabi ng ibang sabungero na kung sakaling mapatigil o lumakas ang panawagan nang pagpapatigil sa sabong, ‘di malayong mangyari na isa sila sa mga aalma. Ito na nga lang daw ang kasiyahan nila sa buhay ay aalisin pa nila? Isa pa, parte na ito ng ating kultura na namana pa natin sa ating mga ninuno. Mas maraming problema na dapat pagtuunan ng pansin, huwag ibaling ang atensyon sa sabong na libangan ng maraming Pilipino!

                Baka nga raw magkaroon pa ng tinatawag na civil war dahil sa dami ng magagalit na mga magmamanok sa bansa. Huwag naman sana itong hayaan ng mga pulitikong mangyari. Huwag nilang susuportahan ang anuman panukalang batas na nagsusulong para mapatigil ang sabong dahil parang sinira na rin nila ang kanilang career. Sa dami ba naman ng mga sabungero sa buong Pilipinas. Isama pa ang mga OFW. Kung kayang magpanalo ng mga sabungero ng kandidato ay kaya ring magpabagsak. Tama ba, kasabong?



COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Sabong sa Pinas, Kaya nga bang Pabagsakin?
Sabong sa Pinas, Kaya nga bang Pabagsakin?
https://4.bp.blogspot.com/-vgTIH-uYerc/WorLdmhJDyI/AAAAAAAAFvY/vZtukpa0fAoh0Z--zd5jWLe2sPWWfE_8QCLcBGAs/s400/IMG_0265.JPG
https://4.bp.blogspot.com/-vgTIH-uYerc/WorLdmhJDyI/AAAAAAAAFvY/vZtukpa0fAoh0Z--zd5jWLe2sPWWfE_8QCLcBGAs/s72-c/IMG_0265.JPG
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/02/sabong-sa-pinas-kaya-nga-bang-pabagsakin.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/02/sabong-sa-pinas-kaya-nga-bang-pabagsakin.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy