Tanay, Tahanan ng Mahuhusay na Magmamanok

SHARE:

Candice Jean Gamefarm ni Charlie Cruz             Ang Tanay ay isa sa mga dayuhing bayan sa lalawigan ng Rizal dahil sa pagkakaroon dit...

Candice Jean Gamefarm ni Charlie Cruz
            Ang Tanay ay isa sa mga dayuhing bayan sa lalawigan ng Rizal dahil sa pagkakaroon dito ng magandang tanawin. Dito matatagpuan ang Daranak Falls, Daraitan Falls, Daranak Falls, Mount Daitan at marami pang magagandang lugar. Kung lumang simbahan ang hanap, ang kanilang Saint Ildenfonsus of Toledo Pasish Church ay naitayo noon pang 1783.Kada-taon ay dinadayo rin ng mga turista ang Tanay dahil sa pagkakaroon nila ng Rodeo show.

            Pero ‘di lang mga turista ang may paborito sa Tanay kundi pati na rin ang ilang gamefowl breeders. Ilan lang sa mga kilalang breeder na narito ay sina Biboy Enriquez ng Firebird Gamefarm at Charlie Cruz ng Candice Jean Gamefarm. Magkalapit lang ang farm ng dalawa na parehong matatagpuan sa Barangay Kutyo. Kapag nasa farm ka nila ay palaging mayroong bisita na nais mag-acquire ng mga manok. Bakit hindi eh nagkampeon na ang mga ito sa international derby. Ang isa ay sa World Slasher Cup at ang huli ay nagkampeon na sa Candelaria International Derby.

            Maliban kina Biboy Enriquez at Charlie Cruz, sa Tanay din matatagpuan ang farm ng sikat na breeder at host ng Bakbakan na TV, walang iba kundi si Joey Sy ng Pit Viper Gamefarm. Lalongg tumunog ang kanyang pangalan ng magkampeon siya sa World Slasher Cup noong 2015. Maganda rin ang kanyang farm at napakasistematiko pagdating sa pagmamanok. Pero siya ang tipo ng breeder na hindi nagku-commercial. Libangan niya lang kasi ang pagmamanok. Para mapagbigyan ang mga gustong mag-acquire ng manok sa kanya ay sisiw ang inaalok nito sa kanila na bilhin. Sila na ang bahalang magpalaki.

                        Sinasabi ng mga breeder na nakabase sa Tanay, nagustuhan nila sa lugar na ito dahil maganda ring mag-alaga ng manok. Medyo mabundok na rin kasi dito. Gaya nang lagi nating naririnig, mas maganda ang manok na alagang bundok kumpara sa kapatagan.


            Kung taga-Maynila ka ay mayroon ‘di naman kalayuan ang biyahe sa Tanay, Rizal. Malapit-lapit ito kumpara sa lugar. Kung pupunta ka ng Laguna, maaari ring dumaan muna rito dahil may lusutan naman dito papunta ng Laguna.

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Tanay, Tahanan ng Mahuhusay na Magmamanok
Tanay, Tahanan ng Mahuhusay na Magmamanok
https://1.bp.blogspot.com/-hOUBJMBkm1M/WoeF2OT57_I/AAAAAAAAFtQ/EtpUtlHzABcpUg9lce-VNzYg5QZmD1iqQCLcBGAs/s400/screen-09.28.38%255B17.02.2018%255D.png
https://1.bp.blogspot.com/-hOUBJMBkm1M/WoeF2OT57_I/AAAAAAAAFtQ/EtpUtlHzABcpUg9lce-VNzYg5QZmD1iqQCLcBGAs/s72-c/screen-09.28.38%255B17.02.2018%255D.png
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/02/tanay-tahanan-ng-mahuhusay-na-magmamanok.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/02/tanay-tahanan-ng-mahuhusay-na-magmamanok.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy