Tiangge ng Manok sa Pinas

SHARE:

Photo Source: sabong.net.ph               Kapag naririnig natin ang salitang ‘tiangge’, ano agad ang unang pumapasok sa ating isipan? ‘...

Photo Source: sabong.net.ph
              Kapag naririnig natin ang salitang ‘tiangge’, ano agad ang unang pumapasok sa ating isipan? ‘Di ba’t mura ang mga bilihin dito kumpara kumpara kung bibili ka sa mall? Pero hindi lang naman nakalimita sa mga damit, pantalon, sapatos, bag, etc. ang mayroon sa tiangge. Mayroon din kasing tinatawag na tiangge ng manok kung saan ay mura rin ang mga itinitindang manok kumpara kung bibili ka sa mga farm.

            Maraming tianggean ng manok sa Pilipinas, kahit nga sa Bacolod ay mayroon nito. Matatagpuan ito sa may Smith Central Market. Ang sabi ng iba, para makatawad ay mas mabuti na mayroon kang kasama na taga-roon. Hile-hilera silang mga nagtitinda roon. Puwede mo pang i-spar kapag gusto mong makita ang laro ng manok. Hindi mo naman masasabing mahihinang klase ang mga manok na naroon dahil Bacolod nga ito na kilalang lugar na tahanan ng magagaling na magmamanok. Idagdag mo pa ang ganda ng klima ng kanilang lugar na magandang pag-alagaan ng manok.

            Kung dito lang naman taga-Metro Manila ka, hindi mo na kailangan pang lumayo dahil mayroon ding tiangge ng manok sa may palengke ng Munoz, Quezon City. Marami rin silang nagtitinda ng mga manok doon. Mayroon din sa Hulong Duhat, Malabon. Kung taga-Gitnang Luzon ka naman ay mayroon sa Bocaue, Bulacan. 

            Siyempre pa, ‘di puwedeng kalimutan ang Batangas dahil maraming tiangge ng manok doon na matagal na nag-u-operate. Ang mga ito ay matatagpuan sa may parteng Padre Garcia, Tanuan, Rosario, Sto. Tomas at sa may Lipa. Magaganda rin diumano ang klase ng mga manok na ibinbenta rito. Hindi naman siguro magtatagal ang kanilang tianggean kung kakaunti lang ang mga tumatangkilik.

            Oo, sabihin na natin na ang mga manok na binibili sa tianggean ng manok ay simple lang kung ikukumpara sa sinasabing de kalidad na manok galing sa mga trusted at kilala ng mga breeder. Pero ‘di kaya ng budget ng ilang nating mga kababayan ang kumuha ng mataas na presyo ng manok. Kaya nga sa tiangge ang takbo nila. Kahit sa labas nga ng ilang sabungan ay may ibinibenta ring manok. Pero alam n’yo ba na ang mga bigtime breeder ay dati ring bumibili ng mga manok na nasa bayong lang? Ito ay noong ‘di pa ganun kalaki ang kanilang pangalan sa industriya ng sabong.


            Sinasabing sa sabong ay mayroong pagkapantay-pantay, pareho itong ini-enjoy ng malalaki at maliliit na mga magmamanok. Kaya’t ‘di dapat maliitin o ikahiya kung galing man sa tiangge ang iyong manok. Pero kung sa malalaking palaban gagamitin ang manok ay ibang usapan na ‘yun.

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Tiangge ng Manok sa Pinas
Tiangge ng Manok sa Pinas
https://4.bp.blogspot.com/-UrNsLwcqNgQ/WoTsOLO-5II/AAAAAAAAFqo/MDhzp0Ta7F47Gyw0rDwVWHSjDlklLNjvwCLcBGAs/s400/IMG_0058_zps74414b33%2B%25281%2529.jpg
https://4.bp.blogspot.com/-UrNsLwcqNgQ/WoTsOLO-5II/AAAAAAAAFqo/MDhzp0Ta7F47Gyw0rDwVWHSjDlklLNjvwCLcBGAs/s72-c/IMG_0058_zps74414b33%2B%25281%2529.jpg
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/02/tiangge-ng-manok-sa-pinas.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/02/tiangge-ng-manok-sa-pinas.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy