150 Katao, Arestado sa Online Sabong sa Bulacan

SHARE:

          One hundred fifty (150) na katao ang inaresto kabilang na ang isang konsehal, mga pulis, sundalo at ilang government employee ...


          One hundred fifty (150) na katao ang inaresto kabilang na ang isang konsehal, mga pulis, sundalo at ilang government employee nang magsagawa ng raid kontra sa operasyon ng iligal na sugal sa online sabong sa may Baliwag, Bulacan noong Biyernes ng gabi.

            Sa ulat ng ABS-CBN, ni-raid ang restaurant na Globaliwag matapos na magreklamo ang ilang mga residente na mayroon diumanong nagpapatakbo ng iligal na sugal sa kanilang lugar. Anila ay apektado na ang buhay ng ilan sa kanilang mga kalugar dahil nalululong na ang mga ito sa sugal.

            Sinabi ng may-ari ng restaurant na mayroon siyang permit para magpatakbo ng online sabong. Pero itinanggi niya na nagpapataya siya sa mga kostumer habang kumakain ang mga ito. Aniya, "Nagpapa-viewing lang ako, 'di ko na alam 'yung ginagawa nila. Parang Pacquiao lang sa ibang bansa. Nagpapapasok ako ng taong may bayad, hindi ko na mapigil, sila-sila lang 'yan. Restaurant lang po ako".

            Bilang patunay na mayroong permit ang online sabong, ipinakita pa sa mga otoridad ng may-ari ng restaurant ang kanyang business permit na inisyu ng Baliwag City Hall para sa UFCC Meridien Visita Pay Per View. Bukod dito, naglabas din siya ng expired na certificate of appointment mula sa North Cagayan Gaming and Amusement Corporation.

            Samantala, sinabi naman ng konsehal na nagkita-kita lamang sila ng kanyang mga kasamahan sa restaurant kaya siya naroon. Itinanggi niyang lulong siya sa pasusugal, pero aminado siyang ‘di lang siya sa ganito nagsusugal kundi pati na rin sa sabungan.

            Ayon pa sa ulat, nakatambay lang sa labas ng restaurant ang ilan sa mga pulis na nahuli, pero wala pa rin silang ligtas. Ayon kay Senior Supt. Jose Chiquito Malayo, maaari pa silang maharap sa mga  kaso dahil wala silang ginawa upang pigilin ang iligal na pagsusugal ng mga tao sa restaurant.

            Ilan sa kahaharaping kaso ng mga naaresto ay ang paglabag sa batas laban sa illegal gambling at sa Cybercrime Prevention Act.

Panoorin ang video:

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: 150 Katao, Arestado sa Online Sabong sa Bulacan
150 Katao, Arestado sa Online Sabong sa Bulacan
https://2.bp.blogspot.com/-XzewGUlJWUw/Wq3TXOPwbYI/AAAAAAAAGA8/lhGO2GyDWcU2SoX5uGgBZrfkeLglqX0EgCLcBGAs/s400/screen-11.44.32%255B18.03.2018%255D.png
https://2.bp.blogspot.com/-XzewGUlJWUw/Wq3TXOPwbYI/AAAAAAAAGA8/lhGO2GyDWcU2SoX5uGgBZrfkeLglqX0EgCLcBGAs/s72-c/screen-11.44.32%255B18.03.2018%255D.png
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/03/150-katao-arestado-sa-online-sabong-sa.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/03/150-katao-arestado-sa-online-sabong-sa.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy