Andrea Del Rosario, Nalilinya na sa Pagmamanok?

SHARE:

            Kumusta na ang magandang actress na si Andrea Del Rosario na dati-rati ay aktibo sa showbiz at minsang naging miyembro ng Vi...


            Kumusta na ang magandang actress na si Andrea Del Rosario na dati-rati ay aktibo sa showbiz at minsang naging miyembro ng Viva Hot Babes. Pero wala na tayong gaanong balita sa kanya ngayon. Paano kasi naging abala ito sa larangan ng pulitika. Siya ay  naging Vice Mayor sa Calatagan, Batangas. Naging involved din siya o nahihilig sa manok-panabong.



            Paano nga ba nahilig si Andrea sa manok? Nangyari ito nang makarelasyon niya ang gamefowl breeder at polo player na si Anthony Garcia ng AG Polo  Paraiso Farm. Minsan ay naisama siya ng kasintahan sa World Gamefowl Expo at doon niya nakita na napakalaki palang industriya ang sabong. Sa tingin niya, isa itong sleeping giant na dapat ay pagtuunan ng pansin.

            Nagandahan din sa sabong si Andrea matapos niyang mapansin na mayroon ditong pagkapantay-pantay. Magkakasama kasi ang mahihirap at mayayaman sa sabungan at nagrirespetuhan. Isa pa, mayroong isang salita ang mga sabungero dahil nagpupustahan sila nang walang anumang pinipirmahang kontrata. Kumbaga, sa pamamagitan lang nang pag-uusap o senyas ay nagkakasundo na.


            Sa panayam kay Andrea ng  website na newsko.com, sinabi niya na namangha siya sa iba’t ibang breed o klase ng bloodline ng mga manok. Sa ngayon diumano ay nagbi-breed na rin siya at isa itong panibagong pakikipagsapalaran sa kanya.


            Dahil sa pagkahilig sa manok ay ginawa pang household pet ni Andrea ang manok-panabong na kung tawagin ay si Prinkit. Ang manok na ito ay 8-year old na at anim na beses nang nanalo sa mga laban. Hindi na nga raw kumpleto ang mga daliri nito. Siyempre, masyado nang magulang ang manok na ito kaya’t retirado na. Naisipan na lang niyang gawing pet.



            Noong Vice Mayor pa si Andrea, naisipan niya na magsagawa ng seminar patungkol sa sabong. Ito ay pinamagatang “Usapang Manok” na ginanap sa Calatagan covered court/palengke area. Ilan sa pag-usapan dito ay tungkol sa breeding, bloodline, rearing, ranging, vaccination program, pagkukundisyon, pagpili ng materyales at panlaban, egg production at pagtatari.

            Batid ni Andrea na marami ng mga tao ang bumagsak o nawalan ng pera sa sabong. Pero alam din niya na may mga tao na ring yumaman dahil dito dahil ginawa nila ang tama. May mga success stories daw siyang narinig mula sa mga ordinaryong tao na nagsimula lang mag-breed sa loob ng kanilang bakuran. Dahil sa pagbibenta ng manok ay umasenso ang kanilang buhay. Sa pamamagitan ng seminar, naniniwala si Andrea na nakatutulong ito para maging de kalidad ang mga manok sa Calatagan. Umaasa siyang sa hinaharap ay magkakaroon din ng matagumpay na breeder sa kanilang lugar.

            Sa mga fans ni Andrea, makikita pa ba natin siya sa telebisyon o sa pelikula? ‘Di pa naman niya isinasara ang kanyang pinto sa showbiz kaya lang sa ngayon ay masyado siyang busy sa kanyang career sa pulitika at siyempre nalilibang din siya sa pagmamanok.

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Andrea Del Rosario, Nalilinya na sa Pagmamanok?
Andrea Del Rosario, Nalilinya na sa Pagmamanok?
https://2.bp.blogspot.com/-8BG-ursEcDY/WqeIntQmsGI/AAAAAAAAF94/FSg9VFRMk2gsE9usXnvZwD7VfUKvWnBuQCLcBGAs/s400/28167704_520805051649242_9014054233947707979_n.jpg
https://2.bp.blogspot.com/-8BG-ursEcDY/WqeIntQmsGI/AAAAAAAAF94/FSg9VFRMk2gsE9usXnvZwD7VfUKvWnBuQCLcBGAs/s72-c/28167704_520805051649242_9014054233947707979_n.jpg
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/03/andrea-del-rosario-nalilinya-na-sa.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/03/andrea-del-rosario-nalilinya-na-sa.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy