Dancing Sabungeros

SHARE:

               Bakit kaya tila nauuso ang pagsasayaw ng ilang mga sabungero sa sabungan? Noon kasi ay bihira lang ang nabi-videohan na g...


               Bakit kaya tila nauuso ang pagsasayaw ng ilang mga sabungero sa sabungan? Noon kasi ay bihira lang ang nabi-videohan na gumagawa ng ganito. Eh, ngayon ay mukhang panay-panay na. Iba-iba lang ang paraan nang pagsasayaw nila. Mayroong parang nagtsa-chacha o ‘di kaya’y parang free style lang o mala-Budots kung tawagin. Ito ba ay masasabing phenomenal o sadyang trip lang ng mga kapatid nating dancing sabungeros?

                Isa na sa kasagutan d’yan, ito ay bugso lamang ng kanilang damdamin dahil sa sobrang tuwa kapag nakikita nilang medyo nananalo na ang kanilang manok. Bukod d’yan, isa rin itong paraan nang pangangantyaw sa kalaban. Alam naman natin na uso ang kantyawan sa loob ng sabungan. Malas lang kung ang nangangantyaw ay natalo. Huwag masyadong magpakasaya hangga’t ‘di tapos ang sentensya ‘ika nga. Mayroon kasing mga pangyayari na kung sino pa ang kinakantyawan ay ‘yun pa ang nanalo.

                Maaari rin namang sabihin na ang pagsayaw ay self-expression o ‘di-kaya’y isang art. Sa pamamagitan ng sayaw ay naipapakita ng tao ang kanyang saloobin. ‘Yun nga, naipapakita ng ilang mga sabungero ang kanilang saya sa pamamagitan nang pagsayaw. Isa pa, ipinapakita rin ng sayaw ang pagkakaroon ng selebrasyon. ‘Di ba’t kapag nagdiriwang ang ilang tao ay napapasayaw sila dahil sa tagumpay na kanilang natamo?

                Sa paningin ng mga ‘di nagsasabong, ang pagsayaw ng mga sabungero sa ibabaw ng ruweda ay isa lamang kabaliwan o pinagmumukha nilang tanga ang kanilang mga sarili. Kung titingnan, oo kasi ‘di naman professional dancer ang mga ito. Pareho pa ngang kaliwa ang mga paa. Pero ang lalakas ng loob na sumayaw. Tingin din nila sa mga ito ay nagpapapansin lang o nagpapasikat. Sa panahon nga naman ngayon ng social media ay napakadali nang sumikat at ang pagsayaw sa sabungan ang naiisip ng ilang sabungero para mapansin.

                Pero bakit ‘di tingnan ng mga kritiko na kaya sila sumasayaw, hindi lang dahil sa masaya sila kundi dahil proud sila sa kanilang manok? Itsini-cheer nila ang kanilang manok sa pamamagitan ng pagsayaw. Masama ba ‘yun? Kung nakakasakit  o nakakainsulto sa kalaban ang pagsayaw, dapat nang ipagbawal ang pagsayaw sa ruweda kapag lumalaban. Pero aminin man o hindi, maraming napapasaya ang mga dancing sabungeros. Kaya’t imbes na papigil ay lalo silang napapaindak.

                Saka ‘di naman talaga nawawala ang pagsayaw sa buhay ng tao, kahit saan mang aspekto ay mayroon nito. Nagkaroon ng  iba’t ibang sayaw sa bawat pagkakataon, okasyon o kung saan pa man. Sa sabungan pa kaya mawawala ang pagsayaw? Puwede na kaya nating tawaging ‘sabong dance’ ang isinasayaw ng ilan nating mga kasabong? Bagama’t magkakaiba sila ng galaw ay iisa lang naman ang ipinapakita at ito ay patungkol sa kasiyahan o pagdiriwang!

Isa sa mga sumasayaw na sabungero:

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Dancing Sabungeros
Dancing Sabungeros
https://1.bp.blogspot.com/-aOGgLIm6dhE/Wpz_ua7uziI/AAAAAAAAF5Y/xNOYeWzMWXozBPJJeqoujSgCWGsUc6M9ACLcBGAs/s400/screen-16.24.52%255B05.03.2018%255D.png
https://1.bp.blogspot.com/-aOGgLIm6dhE/Wpz_ua7uziI/AAAAAAAAF5Y/xNOYeWzMWXozBPJJeqoujSgCWGsUc6M9ACLcBGAs/s72-c/screen-16.24.52%255B05.03.2018%255D.png
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/03/dancing-sabungeros.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/03/dancing-sabungeros.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy