Galing ng Escolin Brothers

SHARE:

            Maraming mga sabungero sa atin ay magkakapatid. ‘Di naman ito nakapagtataka dahil namana nila ang pagmamanok mula sa kanilan...


           Maraming mga sabungero sa atin ay magkakapatid. ‘Di naman ito nakapagtataka dahil namana nila ang pagmamanok mula sa kanilang ama o ‘di-kaya’y lolo. Kumbaga, dugong sabungero ang nananalaytay sa kanilang mga ugat. Pero kung may magkapatid man na breeder na kinikilala sa bansa natin, ‘di mawawala sa listahan ang magkapatid na sina Marlon at Martin Escolin ng Roxas City.

            Nakilala ang Escolin Brothers sa kanilang signature line na Sweater at Boston Roundhead. Bagama’t magkapatid, minabuti nilang maghiwalay sila ng kanilang farm para maisagawa ang kani-kaniyang kagustuhan sa pagmamanok.

            Ang farm ni Marlon ay tinatawag na San Francisco Gamefarm habang kay Martin naman ay Green Country Gamefarm. Kahit magkaiba man ng farm,’di sila maaaring paghiwalayin. Hindi dahil sa magkadugo sila kundi pareho silang mahusay magmanok. Kapag may nagbanggit ng pangalan ng isa, tiyak na kasunod nang mababanggit ang pangalan ng isa pa.

            Noong umpisa ay maliit lang ang manukan ng Escolin Brothers, pero dahil lagi silang nauubusan ng manok kaya’t kada taon ay nadadagdagan ang sukat ng kanilang farm. Lalong umingay ang kanilang pangalan nang magkampeon sila sa World Slasher Cup 2 noong 2017. Wala namang silang sikreto kung bakit sila nagkampeon. Kinakailangan lang diumano na mayroon kang passion at devoted sa pagpapalaki ng manok. Importante rin na kapag nag-aalaga ng manok ay malayo sa sakit mula sisiw hanggang sa lumaki na ito.

            Ang kanilang Boston ay nanggaling kay Lancey dela Torre na kilala sa pagkakaroon ng ganitong bloodline. Inihalo nila ito sa kanilang Sweater at naging maganda ang kinalabasan. Kaya’t buhat noon ay minantine na nila ito. Ang orihinal na Boston ay maliit lang ang sukat, pero napalaki nila ito sa pamamagitan nang paghahalo ng matangkad na manok. Si Marlon, para masabi niyang matangkad ang isang manok ay ‘di na niya sinusukat pa ang katawan nito gaya nang ginagawa ng iba. Basta siya, kung matangkad sa paningin niya ay ayos na ito.

                Maliban sa Sweater at Boston Roundhead, ilan pa sa linyada na mayroon si Marlon ay 5 Thousand Dollar line na galing sa RED Gamafarm, Gilmore at mayroon din siyang Whites na galing sa dalawang pamilya- ang Zamboanga White at Joe Zannino White na galing kay Benedict Granada ng Kabankalan. Inihahalo niya ang Zannino White sa Sweater Boston na babae. Kapag nagkakaroon ng supling ay nagiging sinabalang na white legged,  straight at peacomb.

                Si Martin naman, prep pa lang siya ay nahilig na sa manok. Hindi na ito nawala pa sa kanyang sistema hanggang ngayon na puti na ang kanyang buhok. Siya ang tipo ng breeder na ‘di natatakot na mag-ekspiremento. Dati kasi kagaya sa iba, ang kanyang manukan ay mapuno rin. Napansin niya na ‘di gaanong active ang mga manok hindi katulad nang inilagay niya ang kanyang mga manok sa open range area na walang masyadong puno. Mas nagri-react diumano ang mga ito sa kanilang environment. Isa pa, mas mapula ang kanilang  mata.

                Bagama’t may malaking farm, gumagamit na rin ng battery type sa pagpapalahi si Martin pati na si Marlon. Mas maganda raw kasi ito dahil mas maraming naipu-prodyus na itlog ang inahin dahil siguradong mabababahan ng tandang kumpara sa breeding pen na may kung ilang kapares ang tandang. Isa pa, ‘di rin sila nababasa kapag may bagyo. Kailangan nga lang silang alagaan ng vitamins para maging malakas ang kanilang resistensya lalo’t ‘di sila gaanong  nasisikatan ng araw.

                Si Martin ay mayroon ding Grey sa kanyang manukan. Nakuha niya ito mula kay Dave Aranez, tatay ni Edwin Aranez. Nang mapunta ito sa kanya ay 3 time winner na ito. Pero inilaban pa nila ito sa  mga event hanggang sa maging 7th time winner ito. Ang mga supling ng nasabing Grey  ay maganda pa rin ang performance hanggang sa ngayon.

                Hindi lamang sa Western fowl, mahilig si Martin, sa ngayon kasi ay nag-aalaga rin siya ng Asil at sumasali sa mga torneo para rito. Sa Asil daw, pagalingan talaga ng manok dahil endurance ang pinag-uusapan dito. Hindi kagaya sa slasher na puwedeng makatsamba.

                ‘Yan ang Escolin Brothers, astig na magmamanok!

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Galing ng Escolin Brothers
Galing ng Escolin Brothers
https://1.bp.blogspot.com/-DUmzytrGrrg/WrXZ9mZkXtI/AAAAAAAAGGI/xogHm0iiGtIfgHnAOfrtiAi8qiEmLRukQCLcBGAs/s400/screen-12.48.20%255B24.03.2018%255D.png
https://1.bp.blogspot.com/-DUmzytrGrrg/WrXZ9mZkXtI/AAAAAAAAGGI/xogHm0iiGtIfgHnAOfrtiAi8qiEmLRukQCLcBGAs/s72-c/screen-12.48.20%255B24.03.2018%255D.png
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/03/galing-ng-escolin-brothers.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/03/galing-ng-escolin-brothers.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy