Karisma ng Manok sa Batang si Kyrie

SHARE:

                                        Lagi nating naririnig ang pagiging sabungero ay namamana o nasa dugo na dahil ang pamilyang pina...

                           

            Lagi nating naririnig ang pagiging sabungero ay namamana o nasa dugo na dahil ang pamilyang pinagmulan ay mga magmamanok din. Totoo ito, pero ‘di laging ganito dahil mayroon din namang iba ang mga nahiligan kahit galing sila sa pamilya ng mga sabungero. Kaya mapalad ang mga tatay na may anak na nahihilig sa manok dahil magkakaroon sila ng successor.

            Katulad ng batang si Kyrie Agranum na isang taon at tatlong buwan pa lang ang edad ay napakahilig na sa manok. ‘Di pa siya noon nakalalakad ay napansin na ng kanyang pamilya ang pagkahilig nito sa manok. Nang matuto nang maglakad ay doon na ito nagsimulang maghahawak ng tandang at ng sisiw.

Si Kyrie at ang kanyang ama na si Ace Robertson Agranum



            Ang hilig sa manok ni Kyrie ay namana niya sa kanyang ama na si Ace Robertson Agranum na isang masinop na sabungero. Mayroon din siyang tito na seaman na nagngangalang Aron Robin Baciles Agranum (kapatid ni Ace) na mahilig din sa manok. Si Aron ay tumutulong sa pagpi-finance  kapag mayroon silang laban.

            Hindi lang basta mahilig si Kyrie sa manok, nagsisilbi rin itong pantahan sa kanya kapag siya ay umiiyak. Gustung-gusto nitong humawak ng manok at ang kanyang paborito ay Dalusapi na dirty feet.  Kapag nasa manukan nga ay nanghahabol pa ito ng manok na nakatali. Sumasama pa nga raw sa loob ng scratch pen. Ang pagpunta-punta sa manukan ay nagsisilbing bonding ng mag-ama.

            Kapag nanunood ng sabong sa internet ang ama ay nakikinood din si Kyrie. At kapag may nagtatanong kung nasaan ang ama, sinasagot nito na “Wala, nagsasabong.” Sa murang edad, exposed na agad ito sa sabong. Kaya’t malamang magiging sabungero rin siya balang-araw.




            Noong bininyagan nga raw si Kyrie, ilan sa inahanda para sa kanya ay pigura ng manok na gawa sa pinya ng kanyang tito Aron na isang cook at fruit carver sa barko. Noon namang birthday ngkanyang Tito Ted Rivera na isang mahusay na magmamanok sa Bataan at Rizal ay nagpa-picture si Kyrie sa cake na mayroong korteng manok sa ibabaw.

Sina Aron, Ato Torres at Erwin (Ninong and Titos)


The Rak's Sports Bar & Grill, Bagac Bataan na pagmamay-ari ni Ato Torres


          Hindi lamang ang ama at tito ni Kyrie ang mga magmamanok kundi pati na rin ang ilan sa kanyang mga ninong ay mga mahuhusay na magmamanok sa Bagac, Bataan. Tuwang-tuwa ang mga ito dahil mayroon silang inaanak na mahilig sa manok.

Nanay ni Kyrie

            Mayroong kuya si Kyrie na 8-taong gulang kagaya niya ay mahilig din ito sa manok. Suportado naman sila ng kanilang nanay sa hilig nilang ito. Ganun din ang kanyang Tito Aron na kapag nasa Pilipinas ay nakikipag-bonding sa mga pamangkin sa pamamagitan ng manok.

                        Sinabi pa ni Aron na napakalaking bagay nang pagsasabong ng ama ni Kyrie. Masinop kasi ito pagdating sa pera. Kapag nananalo nga raw ito sa sabong ay may magandang pinaggagamitan ang pera. Dahil sa parte na nakuha sa premyo sa sabong ay nakapagbiyahe ang pamilya ni Kyrie sa Singapore. Nakapagpundar din ito ng motor pati ang bakod sa kanilang bahay ay galing din sa katas ng sabong. Si Aron naman ay nakapagpagawa ng kulungan ng baboy dahil din sa premyo sa sabong. Kaya’t umaasa si Aron na magiging mabuti silang ehemplo para kay Kyrie na naging maganda ang dulot ng pagmamanok o pagsasabong.

            May mensahe si Aron sa ibang magsasabong para maging isang masinop na sabungero. “Gawin n’yo lang libangan ang sabong at huwag gawing bisyo para maging maayos ang pamumuhay. Maging matalino din sa paghawak ng pera. Unahin ang pamilya bago ang sabong”.

            Para naman kay Kyrie, paglaki raw nito ay mag-aral lang itong mabuti. “Ang sabong and’yan lang naman ‘yan. Basta ako ibibigay ko ang hilig ni Kyrie at ng kuya niya. In the future, baka silang magpipinsan ang sasalo ng mga maiiwan namin,” sabi pa ni Aron.


COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Karisma ng Manok sa Batang si Kyrie
Karisma ng Manok sa Batang si Kyrie
https://2.bp.blogspot.com/-QJ-iMDdysBc/Wr4pom4M3QI/AAAAAAAAGLI/ucr4vwlSL9IzhzgIn19TVQukNVwgwTn6ACLcBGAs/s400/screen-20.11.32%255B30.03.2018%255D.png
https://2.bp.blogspot.com/-QJ-iMDdysBc/Wr4pom4M3QI/AAAAAAAAGLI/ucr4vwlSL9IzhzgIn19TVQukNVwgwTn6ACLcBGAs/s72-c/screen-20.11.32%255B30.03.2018%255D.png
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/03/karisma-ng-manok-sa-batang-si-kyrie.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/03/karisma-ng-manok-sa-batang-si-kyrie.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy