Kasikatan ng Peruvian sa Pinas, Humupa na nga ba?

SHARE:

Photo Credit: Kate & Kurt Peruvian Breeder Fb page                Napapag-uusapan ngayon ng ilang mga sabungero kung humupa na ba a...

Photo Credit: Kate & Kurt Peruvian Breeder Fb page
               Napapag-uusapan ngayon ng ilang mga sabungero kung humupa na ba ang kasikatan ng Peruvian na noong mga nakaraang tao ay pinagkakaguluhan ng  mga Pinoy? Napanood kasi nila na bagama’t napakalaki ng manok na ito ay mayroong speed at talaga namang may paglalagyan ang kalaban dahil sa lakas pumalo. Sa bigat ba naman ng manok na ‘to, imposibleng ‘di iindahin ng kalaban ang pinakawawalang palo nito. Kahit bata pa nga lang sila ay makikitaan mo na sila ng lakas at bilis. Kaya’t kapag pinagsasalpok sila ay kailangang awatin agad dahil baka mapilayan agad sila.

                May mga nagsasabi na ‘di nila gusto ang Peruvian dahil bukod na sa pangit ang hitsura ay ‘di pa mailag. Pang-dragfight lang daw sila dahil kulang sa diskarte. Isa pa, napakamahal pa ng presyo . Saan mo nga naman daw ito ilalaban? Eh, dadalawang beses pa lang naman nagkaroon ng pasabong ng Peruvian sa bansa? Sa una ay Graded Peruvian pa at ang pangalawa ay para naman sa heavy weight.

                Kanya-kanya lang naman ng kagustuhan ‘yan sa manok. Wala namang problema kung ayaw nila sa Peruvian. Kung ano ang gusto mong manok ay doon ka, napakasimple.

                Kung tutuusin ‘di pa naman lumamlam ang kasikatan ng Peruvian. Kahit sinasabi ng iba na ‘di ito kasing ingay ng dati.  Katunayan, marami nang mga breeder ang nag-alaaga ng Peruvian kabilang na riyan si Ed Jaraba ng Kate & Kurt Gamefarm. Dati ay Wester fowls ang kanyang bini-breed, pero nang mahilig sa Peruvian ay ito na ang kanyang pinalahi. Bukod kay Ed, nariyan din si Guid Mar Magdadaro na kilala ring Peruvian breeder.

                Kahit ang ibang mga nagpapalahi ng Western fowl ay nagbi-breed din ng Peruvian. Inihahalo nila ito sa Texas para mapaliit at maging malakas ang kanilang panlaban. Ganito ang ginawa dati ni Vic Lacsao, may dugong Peruvian ang manok na kanyang ginamit noong magkampeon siya sa BAKBAKAN. Maging ang kilala ring breeder na si Manny Delleva na y nagpapalahi rin ng Peruvian.

                Marami ang mga nagbi-breed ng Peruvian dahil maganda ang market nito. Hindi sa Pilipinas ang pangunahing bansa na kanilang pinagbabagsakan ng manok na ito kundi sa ibang bansa kung saan ay mayroong labanan ng Peruvian gaya sa Indonesia, Malaysia, Vietnam at iba pa. Naibibenta kasi nila ito sa magandang presyo. Sabi nga ni Raymond Ocampo ng Emongski Gamefarm na isa ring Peruvian breeder, itlog pa lang may bumibili na. Pero siyempre, mayroon din namang mga nagbibenta ng Peruvian na mga Pinoy ang suki. Ilan sa kanila ay mga naging matagumpay na. Mayroon kaming narinig na dahil sa pagbi-breed ng Peruvian ay nakapagpundar na ng mga ari-arian at nakapagpatayo pa ng bahay.

                ‘Yun nga lang dahil sa sumikat nang husto ang Peruvian ay napasukan din ng mga nagbibenta na nagsasabing pure Peruvian ang kanilang ibinibenta.  ‘Yun naman pala hindi dahil mahinang klase lang. Inisip tuloy ng mga nakakuha sa kanila na ‘di pala maganda ang ganitong manok. Kaya’t ipinapayo ng iba na kung may pera rin lang ay dumirekta na sa Peru. Kung hindi naman, siguraduhin lang na tapat ang mapagkukunang breeder nang sa gayun ay ‘di madismaya.

                Kung humupa na ang kasikatan ng Peruvian sa Pilipinas, masasabing hindi pa dahil marami na ring tumatangkilik sa manok na ito. Maaaring dumating ang araw na marami nang magsasagawa ng sabong para rito lalo na’t mayroon ng mga samahan ng mga Peruvian breeder sa bansa natin.

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Kasikatan ng Peruvian sa Pinas, Humupa na nga ba?
Kasikatan ng Peruvian sa Pinas, Humupa na nga ba?
https://3.bp.blogspot.com/-4lFS7p3pvJ4/Wr99jgPF74I/AAAAAAAAGNc/z2bL9Sv_NVU7Of2yi8KT1z74lNxANzjtQCLcBGAs/s400/29541585_2042890615928713_4280735031253955204_n.jpg
https://3.bp.blogspot.com/-4lFS7p3pvJ4/Wr99jgPF74I/AAAAAAAAGNc/z2bL9Sv_NVU7Of2yi8KT1z74lNxANzjtQCLcBGAs/s72-c/29541585_2042890615928713_4280735031253955204_n.jpg
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/03/kasikatan-ng-peruvian-sa-pinas-humupa.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/03/kasikatan-ng-peruvian-sa-pinas-humupa.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy