Meme Picture sa Sabong , Umani ng Iba't Ibang Reaksyon Mula sa Netizens

SHARE:

                                                    Maraming nag-react sa meme picture na nagpapakita na mas matimbang sa isang sabunge...

                                       

            Maraming nag-react sa meme picture na nagpapakita na mas matimbang sa isang sabungero ang kanyang manok kaysa babae. Mababasa sa meme picture na sinasabing mahal na mahal ng lalaki ang babae. Pero ang babae, pinaiiwanan sa lalaki ang kanyang mga manok para makapagsama sila. Sa halip na sundin ang babae ay sinipa niya ito pabulusok sa bangin.

            Hindi lang mga sabungero ang nag-react kundi pati na rin ang mga babae. Mas marami pang mga babae ang nag-react kaysa mga lalaki. Kanya-kanya silang tag sa kanilang mga kakilala, mapa-babae man o lalaki. Ang ilan sa itinagged ay kanilang asawa  na mahilig sa manok o ang mga kakilala nila na may asawa o nobyo na nagmamanok. May mga nagtanong pa sa kanilang karelasyon kung kaya rin ba nilang gawin sa kanila ang nasa picture. Kung may mga natuwa o natawa ay mayroon din namang mga nagalit. May mga babae rin na nagsabi na baka ang lalaki pa ang kanilang sipain sa bangin!

            Ibig lang sabihin, nakari-relate sila sa picture. Bagama’t isa lang itong meme ay nagpapakita naman ito ng katotohanan, na maraming mga sabungero na kapag pinapili pag-ibig sa babae o sa manok, aba’y mas pipiliin pa nila ang manok.

            Sinasabi ng ilang mga sabungero na nakilala na sila ng babae na nagmamanok. Kaya’t kung ano ang kanilang hilig ay tanggapin din nila dapat. Kasi kapag pinagbawalan silang magsabong ay hindi na sila ‘yun. Kumbaga, ‘di mo basta-basta mababago ang pagkatao ng isang tao lalo na’t ang pagiging sabungero ay dumadaloy na sa mga ugat dahil namana ito mula sa kanilang pamilya. Kung ayaw sa sabungero, dapat sana noong una pa lang ay inayawan na ito. Tama naman, ‘di ba?

            Kapag hindi nakaiintindi ang karelasyon na babae, maaaring pagmulan nang ‘di pagkakaunawaan ang pagsasabong ni lalaki. Naniniwala kasi si babae na ang sabong ay isa lamang sugal kaya’t wala ritong magandang makukuha. Isa pa, nagseselos ito dahil mas marami pang oras na inilalaan ang lalaki sa manok kaysa kanya. Hindi maiiwasan na mauuwi ang lahat sa hiwalayan. Pero may ilan din naman na mas minabuti na lang iwanan ang pagmamanok kaysa ang babae ang mawala. ‘Yun nga lang ay parang kulang pa rin ang kanilang buhay dahil ‘di makapagsabong. Kaya’t ang iba, inililihim na lang nila ang kanilang pagsasabong.

            Pero mayroon din namang ilang mga sabungero na kahit tutol ang babae ay pilit nila itong pinauunawa. Imbes na mapikon o magalit ay gumagawa na lang sila ng paraan para magbago ang pananaw ng babae sa sabong. Nagagawa pa nilang isama ang babae sa sabungan para makita nito ang mundong kanyang ginagalawan. Sinisuguro rin nila na ‘di mapabayaan ang kanilang kabuhayaan. Bagkus nakatutulong pa nga ang kanilang nakukuhang pera mula sa premyo o ‘di-kaya’y sa benta sa manok. Ibig sabihin, ‘di na kailangan pang sipain ang babae paalis sa buhay nila gaya nang ipinapakita ng meme picture.



COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Meme Picture sa Sabong , Umani ng Iba't Ibang Reaksyon Mula sa Netizens
Meme Picture sa Sabong , Umani ng Iba't Ibang Reaksyon Mula sa Netizens
https://1.bp.blogspot.com/-IyjiaMD9XAY/Wrtw8hooqeI/AAAAAAAAGIc/eFLlcN0zoFMS-CMThoRj23PfflbdOnitQCLcBGAs/s400/29468159_401737033627363_5727384038366578509_n.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-IyjiaMD9XAY/Wrtw8hooqeI/AAAAAAAAGIc/eFLlcN0zoFMS-CMThoRj23PfflbdOnitQCLcBGAs/s72-c/29468159_401737033627363_5727384038366578509_n.jpg
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/03/meme-picture-sa-sabong-umani-ng-ibat.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/03/meme-picture-sa-sabong-umani-ng-ibat.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy