Netizen, Proud Maging Sabungera!

SHARE:

                                     Dati-rati ang sabong ay itinuturing na panlalaking isport dahil madugo ito. Pero sa pagdaan ng panaho...

                             

       Dati-rati ang sabong ay itinuturing na panlalaking isport dahil madugo ito. Pero sa pagdaan ng panahon, may mga babae na ring nagmamanok o nagsasabong. Natuklasan kasi nila na isa itong magandang dibersiyon. ‘Di na nakapagtataka kung may makita kang babaeng nagbibitaw ng manok sa ruweda.

Pero sa paningin ng mga ‘di nakaiintindi sa sabong, masama ang persepsyon nila rito dahil itinuturing lang nila ito bilang isang sugal at ‘di ito lehitimong isport. Lalo na kapag ang nagsasabong ay babae ay kung anu-ano ang maririnig mo mula sa kanila.

Isang sabungera na nagngangalang Donna Santos ng EV Favia Gamefarm na nakabase sa Cagayan de Oro ang nag-post ng kanyang mga negatibong komento mula sa mga kritiko ng sabong. Gaya nang isa raw siyang sugrol at walang kinabukasan sa ginagawa niya. Pati ba naman daw ang pagmamanok ay kinarir pa niya. Mauubos lang ang kanyang pera sa kapupusta.

Pero para kay Donna, wala namang kaso kung lalaki o babae ang nagmamanok. Dahil kahit sino naman ay puwedeng mag-alaga ng manok-panabong lalo na’t kung hilig mo talaga ito. Oo nga’t nagsusugal ka dahil gusto mong manalo, pero depende na rin sa tao kung paano nito kukontrolin ang sarili.

Para sa kanya, ang sabungan ay isang lugar kung saan lahat ng klase ng manok ay puwedeng isabong. Wala itong pinagkaiba sa ibang isport.

Alam ni Donna na ‘di tanggap ng iba na ‘yung perang naiipon niya ay ipinampupusta lang. Pero masaya siya rito, manalo man o matalo ay bahagi lang ito ng laro. Ang mahalaga, nalilibang siya. Ang pagmamanok ay isa ng passion at kaligayahan para gaya niya.

Idinagdag pa niya na ang mga alagang manok ay loyal dahil handa ka nilang ipaglaban.

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Netizen, Proud Maging Sabungera!
Netizen, Proud Maging Sabungera!
https://3.bp.blogspot.com/--88KngNvmCk/WrXBcG9c6kI/AAAAAAAAGF4/UdADILLy8BMYmbnsjDpTts2SU3PNyiiSACLcBGAs/s400/screen-11.07.17%255B24.03.2018%255D.png
https://3.bp.blogspot.com/--88KngNvmCk/WrXBcG9c6kI/AAAAAAAAGF4/UdADILLy8BMYmbnsjDpTts2SU3PNyiiSACLcBGAs/s72-c/screen-11.07.17%255B24.03.2018%255D.png
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/03/netizen-proud-maging-sabungera.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/03/netizen-proud-maging-sabungera.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy