Pagpapaitlog ng Inahin

SHARE:

                                          Nagtataka ka ba kung bakit minsan ay ‘di nangingitlog ang ilan sa iyong mga inahin? Ang ila...


                             


            Nagtataka ka ba kung bakit minsan ay ‘di nangingitlog ang ilan sa iyong mga inahin? Ang ilan sa mga  sagot d’yan ay ‘di pa fully developed ang reproductive organ ng inahin. Kaya’t kahit ipares mo ito sa tatyaw ay wala pa ring epekto. Kung mayroong ‘di nangingitlog dahil sa masyado pang bata, siyempre kapag nagkakaedad na ang inahin ay nababawasan na ang kakayahan nitong mangitlog hanggang sa ‘di na kayang mag-prodyus pa. Mayroon din namang  hindi nabababahan na inahin kapag mayroon itong kasamang ibang inahin. Maaari namang masapola ang inahin kung kaya’t nababalot ng taba ang lalagyan nito ng itlog.

            Para maging mataas ang potensyal na mangitlog ang inahin, dapat hindi ito nai-stress. Baka naman nasisikipan ito sa maliit na breeding pen. Kung ganun ay ilipat sa mas maluwag at pakawalan din paminsan-minsan.  Kinakailangan din na maging handa ang isapan at katawan nito. Siguraduhin na sapat ang nakukuhang nutrisyon ng inahin. Importante namakapag-ipon ito ng calcium sa kanyang buto. Pinaniniwalaan kasing ang calcium ang nagiging shell ng itlog. Kapag sapat na calcium ang naipon ng inahin, magiging matibay din ang itlog.

            Kapag papakain ang tatyaw at inahin, makabubuting paghiwalayin muna ang mga ito. Ang nangyayari kasi, nagpapaubaya ang tatyaw sa inahin. Dahil dito, ‘di sapat ang nakukuhang nutrisyon ng tatyaw. Kaya’t kapag nag-mating sila ng inahin ay maaaring walang maiprodyus ang semilya nito dahil nga sa kakulangan ng nutrisyon.

            Ipinapayo rin ng mga eksperto na palitan ang patuka ng breeder pellet kapag ginagamit ito sa pagpapalahi. Para ‘di manibago ang katawan ng inahin, paghaluin muna ang luma at dating patuka sa loob ng apat na araw hanggang sa masanay na ito. Bukod sa breeder’s pellet, importante rin ang pagpapaillaw sa pinapaitlog na inahin. Mas aktibo kasing mangitlog ang mga inahin kapag mayroong liwanag. Ang kinakailangang daylight ng manok ay hanggang labing-limang anim na oras.. Buksan o patayin ang ilaw para makumpleto ang kinakailangang liwanag nang pinapalahing inahin. 



COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Pagpapaitlog ng Inahin
Pagpapaitlog ng Inahin
https://2.bp.blogspot.com/-XJADPnSB0ng/WqEA9ul0jeI/AAAAAAAAF6o/E4V_JjP8H3IGEeDFQmGQ2zyJiSt8inuLQCLcBGAs/s400/screen-17.20.08%255B08.03.2018%255D.png
https://2.bp.blogspot.com/-XJADPnSB0ng/WqEA9ul0jeI/AAAAAAAAF6o/E4V_JjP8H3IGEeDFQmGQ2zyJiSt8inuLQCLcBGAs/s72-c/screen-17.20.08%255B08.03.2018%255D.png
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/03/pagpapaitlog-ng-inahin.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/03/pagpapaitlog-ng-inahin.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy