Sabungan sa Pampanga, Pagagamitin ng GoPro Camera ang Mga Sentensyador

SHARE:

                                          Marami tayong naririnig o nababasa na mga komento na madaya diumano ang naging hatol ng ilan...


                            

             Marami tayong naririnig o nababasa na mga komento na madaya diumano ang naging hatol ng ilang sentensyador sa isang sabungan. Anila ay hindi patas dahil mukhang mayroong kinikilingan. Bukod dito ay katakut-takot na batikos pa ang inaabot ng mga pinagududahang sentensyador.

            Bilang pruweba ay maraming mga sabungero ang naglalabas ng video na kuha mula sa cellphone camera. Napakabilis nitong kumalat sa social media. Ang nangyayari pa, nakakaladkad ang pangalan ng mga sabungan.

            Pero ‘di lahat nang ating nakikita o napapanood ay ‘yun agad ang katotohanan. Mayroon kasing kuha na malabo at iisang anggulo lang ang nakikita.

            Isang promoter na nagngangalang Karl Mendiola ang nakaisip na pasuotin ng GoPro ang kanilang mga sentensyador sa Floridablanca Cockpit sa may Pampanga at magsisimula ito sa March 31. Layunin nitong maging patas o parehas ang laban sa kanilang sabungan. Ayon kay Karl, ito ay kauna-kaunahang gagawin sa kanilang bayan.

            Maraming mga sabungero ang natuwa sa naturang hakbang ni Karl, sa pamamagitan ng GoPro ay makikita nang malapitan ang laban kung kaya’t napakadaling tingnan kung tama ba o hindi ang hatol kung sakaling mayroong magreklamo.

            Ayon sa cocker-breeder na si Roy Gonowon ng Sagrada Battle Farm, sana lahat ng may-ari at management ng sabungan ay gayahin ang ganito para naman ma-upgrade ang sistema ng mga sabungan sa atin.

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Sabungan sa Pampanga, Pagagamitin ng GoPro Camera ang Mga Sentensyador
Sabungan sa Pampanga, Pagagamitin ng GoPro Camera ang Mga Sentensyador
https://3.bp.blogspot.com/-Wfgar9iPYCQ/WrsXpcy5g8I/AAAAAAAAGH8/LIPs479Yfy8oXT_GETxeRmSNDBCKGJx8wCLcBGAs/s400/screen-11.58.02%255B28.03.2018%255D.png
https://3.bp.blogspot.com/-Wfgar9iPYCQ/WrsXpcy5g8I/AAAAAAAAGH8/LIPs479Yfy8oXT_GETxeRmSNDBCKGJx8wCLcBGAs/s72-c/screen-11.58.02%255B28.03.2018%255D.png
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/03/sabungan-sa-pampanga-pagagamitin-ng.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/03/sabungan-sa-pampanga-pagagamitin-ng.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy