Selfie Muna Bago Manakawan ng Manok

SHARE:

                         Talaga namang mga peste kung ituring ng mga sabungero ang mga magnanakaw ng manok. Kahit sino ay kanilang ...


            


            Talaga namang mga peste kung ituring ng mga sabungero ang mga magnanakaw ng manok. Kahit sino ay kanilang binibiktima. Basta’t makakita sila ng pagkakataon ay sumasalakay sila. Ang iba ngang mga magnanakaw ng manok, maramihan kung mangulimbat. Alam kasi nilang may presyo ang manok-panabong. Madali rin nila itong ma-dispose dahil maraming mahilig dito. Kaya’t sa mga binibentahan ng manok, suriin muna kung nakaw ba o hindi ang manok.

            Isang Facebook user na nagngangalang Jannine Aguirre Manzano ng Abucay, Bataan ang nanlumo na lamang matapos manakaw ang mga alaga nilang manok-panabong. Wala siyang nagawa kundi mag-post na lang ng kanyang selfie na may background na mga manok. Uso naman ngayon ang paglalagay ng caption na “Selfie muna bago…” Sa kanya naman ay ‘Selfie muna bago ninakaw.’

            Ayon kay Jannine, mga bandang 12am hanggang 3am nang nakawin ng mga kawatan ang kanilang mga manok. Anim na manok diumano ang nakuha sa kanila. Pinutol ng mga magnanakaw ang tali para mabilis silang makasibat. Napagtanto niya na ‘di lang pala pera at ang mga gamit ang ninanakaw ngayon kundi pati na rin ang mga alagang hayop.

            Hiling pa ni Jannine na sana ay tukain ang konsensya ng mga magnanakaw kung may kunsensyang pang natitira ang mga ito. Ganun pa man ay nagpapasalamat pa rin siya sa Panginoon dahil walang masamang nangyari sa kanila. Ipinapayo niya rin sa lahat ng mga nag-aalaga ng manok na maging mapagmatyag sa lahat ng oras.

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Selfie Muna Bago Manakawan ng Manok
Selfie Muna Bago Manakawan ng Manok
https://2.bp.blogspot.com/-ZqPbObdbf2k/Wq9FNm9-GkI/AAAAAAAAGBk/VfM-wcO_Kd8qfT0lCgfdXG_40wpgyearwCLcBGAs/s400/29343195_1985672461760519_2166171308402933760_o.jpg
https://2.bp.blogspot.com/-ZqPbObdbf2k/Wq9FNm9-GkI/AAAAAAAAGBk/VfM-wcO_Kd8qfT0lCgfdXG_40wpgyearwCLcBGAs/s72-c/29343195_1985672461760519_2166171308402933760_o.jpg
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/03/selfie-muna-bago-manakawan-ng-manok.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/03/selfie-muna-bago-manakawan-ng-manok.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy