Tupada sa Semana Santa

SHARE:

                             Dahil Semana Santa ngayon ay sarado ang mga sabungan bilang pagbibigay daan sa paggunita ng naging buhay ng...

                 

           Dahil Semana Santa ngayon ay sarado ang mga sabungan bilang pagbibigay daan sa paggunita ng naging buhay ng Panginoong Hesukristo  noong Siya pa ay narito sa lupa. Kasabay din ng ganitong okasyon ay ang pagkakaroon ng kabi-kabilang tupada kung saan-sang sulok ng lugar sa Pilipinas partikular na tuwing Biyernes Santo. Nangangati kasing makapagsabong kaya’t ‘di na makapaghintay.

            May ibang mga barangay na maluwag o hinahayaan lang ang mga nagtutupada sa kanilang lugar. Makikita mo pa nga na ang ilang mga taga-barangay o kahit ‘yung pang ibang mga alagad ng batas ay nandoon din at nakikipagpustahan. Kapag may narinig kang ingay o hiyawan sa lugar n’yo tiyak na may nagtutupada. Wala ring pinagkaiba sa ingay sa sabungan.

            Kung may maluwag sa tupada, mayroon din namang mahigpit. Istrikto nilang ipinatutupad ang pagbabawal sa ganitong aktibidades. Kaya naman asahan na nagkakahulihan kapag nahuli sa akto ng mga otoridad ang mga nagtutupada. Kapag ganito ang eksena, siyempre kanya-kanya nang pulusan. Mahirap na ang mahuli dahil kinakailangan pang magpiyansa. Sabi ng iba, ang piyansa ay aabot mula dose hanggang kinse mil.  Kaya ang ginagawa ng iba, ‘di na nila pinapaabot pa sa prisento. Inaareglo na lang nila kaysa magbayad pa ng malaki.

            Kahit ‘di naman Semana Santa, lagi namang may mga nagpapatupada. Mas maganda raw rito dahil ‘di na kailangan pang magbayad ng gate, wala ring entry fee at pot money. ‘Yun nga lang, ‘di mababago ang katotohanan na bawal ito. Kahit sabihing protektado ni  Chairman ay mayroon at mayrroon pa ring manghuhuli kung gugustuhin ng otoridad. Pero sabi ng mga sanay na sa tupada, ano ang ginagawa ng iyong mga paa, puwede ka namang tumakbo? Malas nga lang ang mga naiiwan at malas din kapag naiwan mo ang iyong manok. Pag-uwi pa ng bahay, puwede pang maputakan ni  Misis kung talagang minalas.

       Anu't anuman, nagtutupada man o hindi ay huwag kalilimutan ang diwa ng Semana Santa na inialay ng Panginoong Hesukristo ang Kanyang buhay para sa atin.




COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Tupada sa Semana Santa
Tupada sa Semana Santa
https://1.bp.blogspot.com/-Efhx1_6uhJM/Wr4CHhyTVuI/AAAAAAAAGK4/up1-MQhCV10ZkvRjP3zr68Uvk4g7hB5awCLcBGAs/s400/screen-17.21.00%255B30.03.2018%255D.png
https://1.bp.blogspot.com/-Efhx1_6uhJM/Wr4CHhyTVuI/AAAAAAAAGK4/up1-MQhCV10ZkvRjP3zr68Uvk4g7hB5awCLcBGAs/s72-c/screen-17.21.00%255B30.03.2018%255D.png
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/03/tupada-sa-semana-santa.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/03/tupada-sa-semana-santa.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy