Backyard Breeders Versus Bigtime Breeders

SHARE:

Sina Makuri Makuru, Ryan Montano at Danny Convento, mga backyard breeder ng Taytay, Rizal             Sinasabing ang mga backyard breed...

Sina Makuri Makuru, Ryan Montano at Danny Convento, mga backyard breeder ng Taytay, Rizal
           Sinasabing ang mga backyard breeder sa panahon na ‘to ay ‘di na basta-basta dahil marami na rin silang alam tungkol sa pagmamanok. Hindi kagaya noong araw na ipinagdadamot ng iba ang kanilang kaalaman. Siyempre, kung ibabahagi nila ito wala na silang magiging lamang. Baka matalo pa sila ng kanilang tuturuan.

            Pero ngayon kahit sino ay may access na sa impormasyon sa pagmamanok. Mayroon na kasing mga magasin, sabong tv shows, libro at iba pa na nagbabahagi at nagtatampok ng iba’t ibang aspekto sa pagmamanok. Mag-search ka lang din sa internet ay marami ka nang mababasa o mapapanood na mga video hinggil sa sabong.

            Bukod sa kaalaman, marami na ring mga backyard breeder ang mabusisi sa pagmamanok. Bagama’t wala silang malawak na lupain na pinag-aalagaan ng mga manok, ipinagmamalaki nila na ang kanilang bloodline ay galing sa isang kilalang breeder. Kumbaga, ‘di nila ito kinuha o dinampot lang kung saan-saan. Naniniwala rin sila na kapag nagmamanok ka dapat ay kumuha ng materyales sa tapat at establisado na breeder para maging maganda ang kalalabasan nang pagpapalahi.

            Kung ganun ano ang lamang ng mayroong farm o malalaking breeder sa mga backyard? Siyempre, mas may kakayahang sumali ang una sa malalaking event. Puwede rin namang makasali ang pangalawa kung magbabakas-bakas sila o ‘di-kaya’y kung mayroong magpi-finance sa kanila. ‘Di ba’t sa kasaysayan ng BAKBAKAN ay may mga backyard nang nagkampeon? Talo rin ang mga backyard pagdating sa pustahan. Pero kung galing at galing din lang ng manok ay mayroon din ang mga backyard. Anila, pareho lang naman na may tari ang manok ng bigtime at ng backyard. Pareho lang na naikundisyon ng maayos. Minsan nga, kahit nga raw mga bigtime ay natatakbuhan din ng manok.

            Pero ‘di lahat ay naniniwala na kayang makipagsabayan ng mga backyard sa mayroong malalaking farm. Ganito ang paniniwala ng breeder na si Victor Sierra. Sa panayam dati sa kanya ng Llammado Magasin, mas lamang ang may malalaking farm dahil mas marami silang mapagpipiliang manok. Hindi kagaya sa mga backyard na pailan-ilan lang ang mga manok. May punto rin naman. Kasi ang inilalabang manok ng mga bigtime ay mga napili nila mula sa singkuwenta, isang daan o higit pa. Kumbaga, nasasala nila nang husto.

            Kung paramihan o bilang ang pag-uusapan, siyempre panalo na ang mga backyard breeder dahil kabilang sila sa masang magmamanok. Itinuturing silang pinaka-gulugod ng industriya ng sabong dahil nakasalalay sa kanila ang buhay ng mga kumpanya ng may kinalaman sa sabong. Kung wala sila malamang ay bagsak na rin ang sabong.

            Sa kabilang banda, hindi naman kailangan pang pagkumparahin o pag-awayin ang mga bigtime o backyard breeder dahil sa larangan ng sabong, lahat naman ay pantay-pantay. Maaari itong i-enjoy ng marami at kukonti lang ang manok. Ang mahalaga ay masaya ka sa ginagawa mo. Nagkataon lang na mas maraming pera ang mga bigtime kaya may kakayahan silang mag-import at magparami ng manok. Pero hindi rin namang maaaring maliitin ang mga backyard dahil may angkin din silang husay sa pagmamanok at ‘yan ay pinapatunayan nila sa ibabaw ng ruweda!



COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Backyard Breeders Versus Bigtime Breeders
Backyard Breeders Versus Bigtime Breeders
https://1.bp.blogspot.com/-KCqadnW7OzA/WsDFoNMwxNI/AAAAAAAAGOc/7o3N6O2ric8FReHIf_acrgx-KzVeqqfyQCLcBGAs/s400/IMG_2140.JPG
https://1.bp.blogspot.com/-KCqadnW7OzA/WsDFoNMwxNI/AAAAAAAAGOc/7o3N6O2ric8FReHIf_acrgx-KzVeqqfyQCLcBGAs/s72-c/IMG_2140.JPG
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/04/backyard-breeders-versus-bigtime.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/04/backyard-breeders-versus-bigtime.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy