Alin Ang Mas Nauna, Itlog o Manok?

SHARE:

Photo Credit: itpnews.com                Kung debate ang pag-uusapan, isa na yata sa pinakamatagal nang pinagtatalunan ng mga tao sa b...

Photo Credit: itpnews.com

               Kung debate ang pag-uusapan, isa na yata sa pinakamatagal nang pinagtatalunan ng mga tao sa buong mundo ay kung alin ang nauna, itlog ba o manok? Siyempre, mayroong naniniwala na mas nauna ang itlog sa manok. Dahil sa itlog nga naman galing ang manok. Pero para sa mga naniniwalang manok ang nauna, paano naman nauna ang itlog? Paano ito mabubuo kung walang naglabas ng itlog?

                Pero kung siyensya ang tatanungin, sinasabi nila na itlog na ang nauna dahil ang itlog ay mayroong protina na kinakailangan para mabuo ang sisiw. Pero kahit sinagot na ito sa siyensya, babalik pa rin ito sa unang katanungan na paano mabubuo ang itlog kung walang naglabas na inahin? Kung pagbabatayan naman ang Bibliya, malamang na manok ang nauna dahil lahat ng hayop ay nilikha ng Diyos. Hindi naman nakasaad doon na itlog muna ang nilikha ng Diyos. Diyata’t laging nagbabanggaan ang siyensya at ang relihiyon sa simple pero nakapasalimuot na ganitong usapin?

                Pero kahit ano pa ang nauna sa itlog o manok, ang importante ay kung paano natin ito iingatan. Pareho lang naman itong mahalaga. Sa mga magmamanok, iniingatang mabuti ang itlog para mapisa ito nang maayos.  Kapag naging sisiw na ay inaalagaan ito nang husto hanggang sa lumaki at magamit sa dapat paggamitan, kung pansabong ba o pangkatay lang.

                Sa susunod, kapag may nakipagdebate sa iyo kung alin ang mas nauna, itlog ba o manok? Mas mabuti sigurong ibahin mo na lang ang tanong. Alin ang mas masarap, itlog o manok?! Siyempre, manok dahil mas mahal ito kaysa itlog. Pero ‘di rin natin maiaalis na mas nasasarapan silang kumain ng itlog kaysa manok. Hmm…

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Alin Ang Mas Nauna, Itlog o Manok?
Alin Ang Mas Nauna, Itlog o Manok?
https://4.bp.blogspot.com/-1QwxTI3GiqQ/WrDU4gEggUI/AAAAAAAAGDk/_HHfbaonXD8mkQow9bALgFt1K_IysrvMwCLcBGAs/s400/-new01.jpg
https://4.bp.blogspot.com/-1QwxTI3GiqQ/WrDU4gEggUI/AAAAAAAAGDk/_HHfbaonXD8mkQow9bALgFt1K_IysrvMwCLcBGAs/s72-c/-new01.jpg
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/06/alin-ang-mas-nauna-itlog-o-manok.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/06/alin-ang-mas-nauna-itlog-o-manok.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy