Ormoc Gold ni Bernie Tacoy

SHARE:

Photo via BGT's Ormoc Gold Gamefarm             Mga kasabong, alam n’yo ba kung saan nagmula ang Ormoc Gold ng gamefowl breeder na...

Photo via BGT's Ormoc Gold Gamefarm

           Mga kasabong, alam n’yo ba kung saan nagmula ang Ormoc Gold ng gamefowl breeder na si Bernie Tacoy?

            Ayon sa kanya, nagmula ito sa manok na native at kakatayin na sana. Nakuha niya ito sa kamag-anak ng kanyang handler. Sumali ito sa derby sa Valencia Sport Center at nakituloy sa kanilang bahay. Nagalingan sila sa mga manok na kanyang inilaban. Nakursunadahan  ng kanyang tiyuhin na si Teteng Gonzaga ang mga manok nito. Gusto sanang bilhin ng kanyang tiyuhin, ang kaso ‘di naman ito pumayag. Sa halip, nangako na lang na magpapadala ito ng ibang manok.

            Tinupad naman ng kamag-anak ng handler ang kanyang pangako. Nagpadala ito ng dalawang inahin. Pero sinabihan siya ng handler na native lang ito at huwag nang i-breed.

            Minsan ay natalo sila sa sabong at napagdiskatahan ng tiyuhin ni Bernie ang dalawang inahin. Inarbor ito ni Bernie at papalitan na lang daw ng ibang manok. Ang problema nga lang, nakatay na ang isa kaya’t ang natitirang buhay na lang ang kinuha niya.

            Ang nakuhang manok ay ipinares niya sa baldadong manok na Johnnie Jumper Kelso. Galing din ito sa kanyang  tiyuhin. Hanggang sa makapagpisa siya ng mga itlog. Sa labing-apat na lalaking naiprodyus, nanalo ang labing tatlo. Tumabla pa ang isa. Dahil sa  galing lumaban ng Gold, kumuha sa kanya ang kanyang tiyuhin. Samantalang dati ay gusto na nga niyang katayin ang inahin.

            Maliban sa Johnie Jumper Kelso naipares niya rin ang kanyang Gold sa manok na galing kay Lope Durado. Ang Gold ni Bernie kung lumaro ay walang sinasayang na sandali. Mautak rin ito at puwedeng ipares sa kahit ano’ng bloodline.

            Samantala, si Rolando Luzong ang nagbansag na pangalan ng Ormoc Gold. Dati-rati tinatawag niya na lang ang kanyang manok na Cabiana.

            Ilang beses na siyang nanalo sa sabong na kanyang sinasalihan gamit ang Gold. Nagkampeon na siya sa San Juan Coliseum, Ilocos Dakak Challenge ng Thunderbird at kung saan-saan pa.



           
             


             


COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Ormoc Gold ni Bernie Tacoy
Ormoc Gold ni Bernie Tacoy
https://4.bp.blogspot.com/-9sgNIQSrIj4/WxO7QUwwLdI/AAAAAAAAGZY/-JD2Cdpzj_4csnp_VX3yEvYB5pa7Ii6-wCLcBGAs/s400/11226049_1017397161645908_8520370913079047245_n.jpg
https://4.bp.blogspot.com/-9sgNIQSrIj4/WxO7QUwwLdI/AAAAAAAAGZY/-JD2Cdpzj_4csnp_VX3yEvYB5pa7Ii6-wCLcBGAs/s72-c/11226049_1017397161645908_8520370913079047245_n.jpg
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/06/ormoc-gold-ni-bernie-tacoy.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/06/ormoc-gold-ni-bernie-tacoy.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy