Rhona Bullecer: Bangis ng Isang Sabungera

SHARE:

Photo via Rhona Bullecer's Fb account               Kung dati-rati ang    sabong ay pinaghaharian ng mga kalalakihan aba’y hindi n...

Photo via Rhona Bullecer's Fb account

              Kung dati-rati ang  sabong ay pinaghaharian ng mga kalalakihan aba’y hindi na ngayon. Marami na rin kasing babaeng nagsasabong. Isa  sa kanila ay si Rhona Bullecer na makikitang nagbibitaw sa ruweda. Bukod sa pagsasabong, isa rin siyang promoter sa derby sa Teresa Square Garden.

            Ang kanyang hilig sa manok ay namana niya sa kanyang ama na si Elliot Bullecer na dating nagtatrabaho kina Pedro Cojuangco, Manila Mayor Ramon Bagatsing at sa namayapa nang si Caloocan Mayor Boy Asistio.

            Naging tagapag-alaga ng sisiw si Rhona ng ama kaya’t bata pang lang ay expose na siya sa imanok. Imbes na maglaro kagaya ng ibang bata, ibinuhos  na lang niya ang kanyang atensyon sa pagmamanok. Noong 8-taong gulang naman siya ay isinama-sama na siya ng kanyang ama sa sabungan, sa Roligon at Pasay. Pinangarap niya talaga noon na maging kagaya ng kanyang ama na isang magsasabong. Sa kanyang murang edad, ginusto niyang makapagbitaw.

            Dati, kung kani-kanino lang bumibili ng manok si Rhona para makasali sa mga derby. Hanggang sa maisip niya na mag-breed ng sariling manok total may karanasan na naman siya sa pagbu-brood ng sisiw. Nagrirenta noon si Rhona sa lupa ng mga Sumulong. Dahil sa  maganda ang naging produksyon niya ay naisip niyang doblehin ang kanyang produksyon. Kaya’t lumipat siya ng Pililia, Rizal at ngayon nga ay permante na ang kanyang manukan sa naturang lugar. Kapag wala siya sa bansa ay ang mga kapatid na niyang lalaki ang tumitingin dito. Nagtatrabaho kasi siya sa Belgium bilang isang caregiver.

            Ang kanyang  mga manok ay binubuo ng Slick Lizard Roundhead, Johnnie Jumper Kelso, Rubio Sweater Gold, Dom at Mel Sims.

            Kung labanan ang pag-uusapan ay matinik din si Rhona. Marami na rin siyang kampeonato na nakuha. Naging solo-runner up din siya ng 1st leg ng PGDA 5-Stag Derby Circuit. Nakuha naman siya ng 9 points sa BAKBAKAN at siya rin ang nanalo sa raffle kung saan ang papremyo ay Toyato Hilux pickup truck.

Si Rhona kasama si Osang

            Hinahangaan ni Rhona si Osang Dela Cruz sa larangan ng sabong. Wala kasi ritong babae na makakapantay o makahihigit sa narating nito sa sabong. Siya raw ang kauna-unahan na bumasag sa sinasabing gender barrier sa isport na pinaniniwalaang pang-lalaki lang. Sinusundan niya ang yapak ng kanyang idolo. Pero siyempre, may sariling tatak si Rhona kumpara sa ibang mga sabungera. Kapansin-pansin ang kanyang bangis sa ruweda!        
           


COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Rhona Bullecer: Bangis ng Isang Sabungera
Rhona Bullecer: Bangis ng Isang Sabungera
https://3.bp.blogspot.com/-mb_AS2a39IE/WxUDbhe3cRI/AAAAAAAAGaY/E4Xxm5Z06FMSmX7c3aLk-Bfc2FuHEuHmACEwYBhgL/s400/181866_436244416410159_1100256357_n.jpg
https://3.bp.blogspot.com/-mb_AS2a39IE/WxUDbhe3cRI/AAAAAAAAGaY/E4Xxm5Z06FMSmX7c3aLk-Bfc2FuHEuHmACEwYBhgL/s72-c/181866_436244416410159_1100256357_n.jpg
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/06/rhona-bullecer-bangis-ng-isang-sabungera.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/06/rhona-bullecer-bangis-ng-isang-sabungera.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy