Manok na Walang Balahibo, Pinag-uusapan ng Mga Sabungero sa Social Media

SHARE:

                                               Kapag balahibo ang pinag-uusapan, ang gusto ng mga sabungero ay ‘yung makinis dahil ind...


                                   
           Kapag balahibo ang pinag-uusapan, ang gusto ng mga sabungero ay ‘yung makinis dahil indikasyon ito na malusog ang manok. Masarap pang himas-himasin dahil maganda sa kamay dahil makinis nga. Mayroon din namang manok na walang balahibo sa leeg gaya ng Cobra. Pero paano kung ang manok ay wala talagang balahibo?

            Pinag-uusapan ngayon ng mga sabungero ang manok ng Facebook user na si Nasibog Harold matapos nitong i-post ang mga larawan ng kanyang manok na walang balahibo. Ipinost niya ito sa FB group na KAPCM (Knowledge in Accurate and Precise Conditioning Method). Itinatanong niya kung ano’ng klaseng manok ang ganito. Aniya, maraming beses na silang nagkaroon ng manok na walang balahibo sa kanilang manukan.

Si Harold hawak ang kanyang naked chicken

           Pabiro namang sinagot ang tanong ni Harold ng ilang sabungero na baka Andoks Line ito, ready to cook line dahil ‘di mo na kailangang balatan. Ididiretso mo na lang sa kawali o sa kaserola. Pero mayroon din namang seryosong sumagot na maaaring dahil ito sa nangyaring mutation.  Ayon kay Rick Iturralde, “Ang naked chicken (manok na walang balahibo ay bumuo dahil sa overproduction ng molecule BMP12 sa balat nila. Ang BMP12 ay makikita sa mga naked chicken dahil sa isang mutation na nangyari noong mga nagdaang panahon”.

          Hindi lang ito ang unang beses na may lumabas na ganitong klase ng manok. Mayroon na ring kumalat sa social media na kalbong manok na isinasabong. Mas nanaig pa nga ito kaysa kalabang manok nito mayroong balahibo. Maraming mga netizen ang nagalit dahil akala nila ay sinadyang kinalbo ang manok. Hindi nila alam na may ganito talagang manok.

            Ikaw kasabong, sa palagay mo, bakit nagkaroon ng ganitong manok na walang balahibo?

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Manok na Walang Balahibo, Pinag-uusapan ng Mga Sabungero sa Social Media
Manok na Walang Balahibo, Pinag-uusapan ng Mga Sabungero sa Social Media
https://3.bp.blogspot.com/-lPj6RmrrkMs/WpT-8oUGPQI/AAAAAAAAF2o/y5Xdr8XFID0FtOcDJBj4YZrViXnbdgi4QCLcBGAs/s400/screen-14.44.36%255B27.02.2018%255D.png
https://3.bp.blogspot.com/-lPj6RmrrkMs/WpT-8oUGPQI/AAAAAAAAF2o/y5Xdr8XFID0FtOcDJBj4YZrViXnbdgi4QCLcBGAs/s72-c/screen-14.44.36%255B27.02.2018%255D.png
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/07/manok-na-walang-balahibo-pinag-uusapan.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/07/manok-na-walang-balahibo-pinag-uusapan.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy