Bata, kumasa sa challenge na ipamigay ang mga manok ni Papa!

SHARE:

Kamakailan lang ay nag-viral ang challenge ng 21-taong gulang na si Nicole Evangelista ng Tiaong, Quezon na 'Make your dad proud and...


Kamakailan lang ay nag-viral ang challenge ng 21-taong gulang na si Nicole Evangelista ng Tiaong, Quezon na 'Make your dad proud and happy' kung saan namigay siya ng 25 na mga manok-panabong sa mga taong nagugutom sa kanilang lugar.

Naging kontrobersyal ang naturang challenge. Bagamat maraming natutuwa ay tila 'di nagustuhan ng iba ang ginawa niya dahil 'di niya ipinaalam sa daddy niya ang kanyang desisyon. Pangalawa, nanghihinayang ang iba dahil mahal ang presyo ng manok-panabong. Sana raw ibenenta na lang daw niya para mas marami siyang nabiling relief goods. Pangatlo, baka sabungero lang din ang nakatanggap. Kinatay daw sana muna niya saka ipinamigay. Ayun siguradong uulamin nang pagbibigyan. O di kaya' 45 days chicken na lang ang ipinamigay hindi ang mga manok-panabong.

Pero sabi naman nang mga nagtanggol kay Nicole, tila minasama pa ng iba ang pagtulong ng dalaga. Ang importante ay nakatulong siya. Period! Maiintindihan naman daw ito ng kanyang daddy dahil maganda ang kanyang layunin. Hindi naman daw ito gagawin nang dalaga kung alam niyang magagalit ang kanyang daddy at pagmumulan ito ng matinding away gaya nang iniisip ng iba.

Sa kabila ng naging mainit ang naturang challenge ay mayroon nang kumasa. Ito ay isang batang babae. Ayon sa bata, isang daang manok ang kanyang ipamimigay sa mga taong nagugutom.

Makikita sa video ang isang lalaki na nanghuli ng mga manok. Mga babae lang daw ang kanilang ipamimigay at baka magalit ang boss nila na waring tinutukoy niya ay ang ama ng bata.

Tila nakinig na sa mga suhestiyon sa mga suhestiyon dahil mga kinatay na ang manok ang kanilang ipinamigay sa wala nang makain dahil sa quarantine dulot ng Covid.

Panoorin ang video:

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Bata, kumasa sa challenge na ipamigay ang mga manok ni Papa!
Bata, kumasa sa challenge na ipamigay ang mga manok ni Papa!
https://1.bp.blogspot.com/-nyXUtVEZw2g/XqtWl7K5R0I/AAAAAAAAHsI/rvsO2k_x_bExMp8vQ_qqaU5MCrQkIt3fwCLcBGAsYHQ/s400/IMG_20200501_065144.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-nyXUtVEZw2g/XqtWl7K5R0I/AAAAAAAAHsI/rvsO2k_x_bExMp8vQ_qqaU5MCrQkIt3fwCLcBGAsYHQ/s72-c/IMG_20200501_065144.jpg
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2020/04/batang-babae-kumasa-sa-challenge-na.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2020/04/batang-babae-kumasa-sa-challenge-na.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy