Husay ng Lemon Bloodline

SHARE:

Larawan mula sa sabong.net.ph Ang Lemon ang isa sa itinuturing na luma o mga naunang linyada na sumikat sa Pilipinas. Sinasabing dinala...

Larawan mula sa sabong.net.ph
Ang Lemon ang isa sa itinuturing na luma o mga naunang linyada na sumikat sa Pilipinas. Sinasabing dinala ito ng Amerikanong si  Duke Hulsey sa bansa nang minsan imbitahan ito ni Don Amado Araneta na magpunta sa atin para lumaban sa international derby na mismong ang mga Araneta ang nag-organisa.

Tinawag ito na Lemon dahil na rin sa kulay nito na mala-ponkan. Pero alam n’yo ba mga kasabong na sa Amerika,  hindi nila ito tinatawag na Lemon kundi Hulsey?

Base sa mga tala ang Lemon ay binubuo ng mga kompisisyon ng dugo ng Hatch, Butcher at Claret. Ang Lemon ay mababa lang ang sukat at ‘di masyadong mapula ang mata. Para tumaas ang sukat at pumula ang mata nito ay kailangan itong ihalo sa ibang bloodline.  Maganda raw itong i-cross sa Roundhead, Kelso, Sweater at iba pa. Pero depende na rin ito sa breeder kung saan ang line tutugma o magiging maganda ang kalalabasan.

Ang problema lang sa Lemon ay single stronger ito. Kapag may nakaharap na kalaban na masipag mamalo, tiyak na mahihirapan itong manalo. Kaya’t mainam na i-cross ang Lemon sa manok na multiple shuffler para mag-iba ang laro nito. Sinasabi rin ng ibang Lemon breeder na kapag bata pa ang manok na ito ay bara-bara lumaro. Pero habang gumugulang ay gumagaling ito.

Ilan lang sa mga sumikat na Lemon breeder sa Pilipinas ay sina Paeng Araneta, Mayor Juancho Aguirre at iba pa.

Ang Lemon 84 ni Paeng Araneta ay nakuha niya mula sa mag-amang sina Don Amado at Jorge “Nene” Araneta. Galing ito sa full brother na straight comb at peacomb. Tinawag ito na Lemon 84 dahil sa leg band number na nakalagay sa manok. Marami ang humanga noon kay Paeng dahil magaling maglaro ang kanyang Lemon. Magaling kasi itong tumiyempo sa kalaban at magaling din pagdating sa cutting.

Samantalang ang namayapa nang si Mayor Juancho Aguirre naman ay nakilala dahil sa kanyang Lemon Gwapo. Tinawag ito na guwapo dahil na rin sa maganda nitong hitsura na siyang kadalasang hinahanap ng mga sabungero sa isang manok. Nanggaling ang manok niyang ito sa namayapa na kay Mayor Nonoy Jalandoni. Sumikat ang Lemon Gwapo dahil marami nang mga sabungero ang nagkampeon gamit ang manok na ito. Kabilang na rito ang Sola Brothers na minsan nang itinanghal na kampeon sa Candelaria derby.


Bagama’t isa ang Lemon sa mga unang sumikat na manok sa atin, hanggang ngayon ay marami pa ring mga breeer ang nagtitiwala sa kakayahan nito. Ilan lang sa kanila ay sina Lancey Dela Torre, Dicky Lim, Eddie Boy Ledesma, Atty. Ryan Abrenica at marami pang iba. Bagama’t marami nang mga bagong linyada na nagsipagsulputan ay ‘di pa rin naluluma ang Lemon. Kung hindi magaling ang Lemon, matagal na sana itong nabaon sa limot at hindi na ginagamit bilang panlaban. 

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Husay ng Lemon Bloodline
Husay ng Lemon Bloodline
https://4.bp.blogspot.com/-JYdQl-9o8rs/WW2cpJfJqZI/AAAAAAAACf8/lozOBcurcOQyMuiPlUP8pKaEhCFnkxLvgCLcBGAs/s400/Lemon3.jpg
https://4.bp.blogspot.com/-JYdQl-9o8rs/WW2cpJfJqZI/AAAAAAAACf8/lozOBcurcOQyMuiPlUP8pKaEhCFnkxLvgCLcBGAs/s72-c/Lemon3.jpg
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2020/04/husay-ng-lemon-bloodline.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2020/04/husay-ng-lemon-bloodline.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy