Sabong, Maibabalik ba Agad Pagkatapos ng Lockdown?

SHARE:

Si Arnold Dela Cruz (kaliwa) ng AEJ Gamefarm habang nasa WSC Paano na lang kaya ang kahihinatnan ng sabong kung sakaling matapos ang qu...

Si Arnold Dela Cruz (kaliwa) ng AEJ Gamefarm habang nasa WSC

Paano na lang kaya ang kahihinatnan ng sabong kung sakaling matapos ang quarantine o lockdown? Kung hindi man matapos, maging modified quarantine na lang sa ibang lugar na wala pang Covid o mababa ang cases.

Ang tanong, maibabalik din kaya agad ang sabong? Siyempre, hindi naman ito kadali at kabilis. Sa ngayon, patuloy pa rin na tumataas ang bilang ng mga may Covid sa bansa.

Hindi ba't mahirap sagutin kung kailan magkakaroon uli ng sabong. Kasi wala namang katiyakan ang lahat. Wala pang gamot kaya't 'di basta-basta maibabalik ang paborito nating  isport atbp na kinakailangan nang pagtitipon ng maraming mga tao.

Pero pinag-uusapan na ng iba, kung sakaling maibalik ang sabong pagkatapos ng ECQ. May mga nagmumungkahi na kapag magsasabong ay 'di na kailangang pumasok ang lahat. Bawal muna ang kristo na taga-tawag ng pusta. 'Di kasi maiiwasan na tumatalsik ang laway nila sa kasisigaw. Walang munang sigawan, senyasan na lang.

Kung napanood n'yo ang panayam ng Sabong Nation sa kanilang Fb live kay GAB President Baham Mitra, sinabi nito na kapag papasok sa sabungan dapat ay kukunan ng temperatura at nakasuot ng mask. Limitado na lang din ang mga papasok sa loob ng sabungan dahil kailangan ng social distancing. Pero 'di rin alam ni Baham kung kailan maibabalik ang sabong. Basta sumunod lang daw tayo sa gobyerno. Kumbaga, maging maging maginoong sabungero. Para saan ba at maibabalik at maisasaayos din ang lahat.

Ang pananaw namin dito, malabong pagbigyan ng gobyerno na makapagbukas agad ang mga sabungan kahit matapos pa ang ECQ. Bakit kamo? Kung papayagan nila ang sabong, aba'y pati na lahat nang klase ng aktibidades ay papayagan nila.

Hindi prayoridad ng gobyerno ang sabong na maibalik agad ito. Kundi sekondarya na lamang ang mga libangan. Uunahin muna nila ang sa tingin nila ay higit na importante kaysa sabong. Lalo na't sumama nang husto ang imahe ng sabong sa mata ng publiko dahil sa mga pasaway na nagtutupada.

Isa pa, nakita natin kung gaano kadali o mabilis magkahawaan ng Covid sa sabungan gaya nang nangyari sa New Davao Matina Gallera. Hindi man magsalita si Mayor Sarah Duterte, isa ito sa mga naging dahilan kung bakit niya ipinagbawal ang sabong sa Davao City.

Kung magtatagal pa ang Covid, marahil magiging online na lang ang sabong. mga representative na lang ng may entry ang papasok sa sabungan. Hindi maganda kung naka-record na ang laban dahil posibleng mag-leak ang resulta. Dapat talaga ay live. 'Yun ay kung papayagan ito ng gobyerno bagamat dati nang may online sabong. Pero kung sakaling sa online na lang, konti na lang ang magiging mga player dahil marami na ang nawalan ng trabaho dahil sa Covid.

Asahan na nga lang natin na kapag inalis nila ang quarantine ay magkakaroon ng second wave sa covid cases gaya nang nangyayari ngayon sa China at Singapore.

Wala tayong ibang hiling kundi may makadiskubre na ng gamot sa covid para bumalik na ang lahat sa normal. Siyempre, kapag nangyari 'yun ay makababalik na rin ang sabong.  Pero habang wala pa, tiis-tiis muna lalo't mahirap na kalaban ang virus dahil 'di natin nakikia.

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Sabong, Maibabalik ba Agad Pagkatapos ng Lockdown?
Sabong, Maibabalik ba Agad Pagkatapos ng Lockdown?
https://1.bp.blogspot.com/-APpwB-1fsFI/Xp7UdDJCyCI/AAAAAAAAHnc/XYfv7mkHU0U4iYsAhismPGBdD0yA1OHRQCLcBGAsYHQ/s400/screen-19.08.51%255B21.04.2020%255D.png
https://1.bp.blogspot.com/-APpwB-1fsFI/Xp7UdDJCyCI/AAAAAAAAHnc/XYfv7mkHU0U4iYsAhismPGBdD0yA1OHRQCLcBGAsYHQ/s72-c/screen-19.08.51%255B21.04.2020%255D.png
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2020/04/sabong-maibabalik-ba-agad-pagkatapos-ng.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2020/04/sabong-maibabalik-ba-agad-pagkatapos-ng.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy