Sabong, Tuluyang Babagsak Dahil sa Covid?

SHARE:

Lahat ng tao ngayon ay apektado ng Covid. 'Di tayo makabalik sa normal na pamumuhay gaya nang dati. Halos lahat ng industriya maliban...


Lahat ng tao ngayon ay apektado ng Covid. 'Di tayo makabalik sa normal na pamumuhay gaya nang dati. Halos lahat ng industriya maliban na lang sa pagkain at gamot o essential goods. Tila walang katiyakan ang bawat dumarating na bukas.

Nangangamba ang marami na kapag lumalabas tayo para bumili lang ng ating pangangailangan ay baka matamaan tayo ng virus kahit sabihin pang may suot tayong mask. May ilang nabalita nga na 'di lumalabas ng bahay pero tinamaan pa rin ng Covid.

Paano na lang kaya ngayon ang industriya ng sabong? Maraming mga magmamanok na tumigil na sa pag-aalaga o kinatay na lang ang mga manok nila. Para kahit paano ay makaraos sa araw-araw nilang pumumuhay. Mayroon na ring nagbibenta ng farm. Pero ang tanong, mayroon kayang bibili gayung nasa krisis tayo? Ang iba naman bagama't may pambili pa ng patuka ay pahirapan naman sa paghahanap ng patuka Marami kasi ang saradong poultry supply ngayon.

Ang malungkot, sa kabila ng pagbabawal na magsabong ay di sinusunod ng iba. Nagtutupada pa rin ang ilang mga kasabong natin. Sumasama tuloy lalo ang tingin ng publiko sa sabong. Tingin ng iba, lahat ng sabungero ay adik sa sugal at walang disiplina.

Sabong na rin ang punag-uusapan, banggitin na rin natin ang tuluyang pagbabawal ng sabong sa Davao City. Kahit pa ang kapatid mismo ng Mayora na si Polong ay isang sabungero. Gusto kasi nina Mayor Sarah Duterte na maging gambling free na ang siyudad nila.

Siyempre, dismayado ang mga sabungero na taga-Davao. Pakiramdam nila, parang sinisisi sila sa pagkalat ng Covid doon dahil sa nangyari sa New Davao Matina Gallera kung saan mahigit sampu ang naging infected ng Covid at may mga namatay pa nga. Sana man lang ay kinunsidera ng mga namumuno sa kanila na maraming natutulungan ang sabong. Tanggap naman nila na bawal ang sabong ngayon dahil nga may krisis. Ang mahirap tanggapin ay wala ng sabong sa kanilang lugar kahit matapos pa ang krisis. Maliban na lang kung babawiin ni Mayor Sarah ang kanilang ordinansa.

Nakikisimpatya ang mga sabungero sa buong Pilipinas sa nangyari sa Davao. Ang saloobin ng mga taga-Davao ay kapareho ng sa kanila. Naniniwala ang marami na ang ginawang hakbang ni Mayor Sarah ay magiging balakid sakali mang naisin niyang pasukin ang national position.  Naniniwala sila na kung ano ang nangyari sa sabong sa Davao, ganito rin ang mangyayari sa buong Pilipinas.

Dahil din sa tupa-tupada na 'yan ay nangangamba ang ilang mga sabungero na pati ang buong industriya ng sabong ay madamay. Baka biglang maisipan ng Presidente na ganap na itong ipagbawal sa buong bansa. Napansin na rin kasi ni Pangulong Duterte ang katigasan ng ulo partikular na ang mga nagtutupada at nabanggit niya pa ito sa isa niyang speech.



Ngayon pa lang ay may nagpetisyon na sa Change.org na pinasimulan ng Masang Magmamanok. Anila ay  ibalik ang sabong pagkatapos ng pandemic. Dahil nga sa napakalaki nitong industriya. Maliban dito, tradisyon na ito sa ating mga Pilipino na minana pa natin mula sa ating mga ninuno. Marahil ay sasabihin ng iba na parang pinapangunahan na ng nagpasimuno ng petisyon ang mangyayari. Pero hindi, nais lang siguro nilang panatiling buhay ang sabong at maibalik sa dati pagkatapos ang krisis.

Kung kailan, maibabalik ang sabong wala pang nakaalam. Hangga't may banta ng Covid at mayroong social distancing ay di pa ito maibabalik. Gamot para sa Covid lang ang magbabalik sa atin sa normal na pamumuhay. Kaso mukhang matatagalan pa ito.





COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Sabong, Tuluyang Babagsak Dahil sa Covid?
Sabong, Tuluyang Babagsak Dahil sa Covid?
https://1.bp.blogspot.com/-xXYyJ0HrUyA/Xp069Kt4bfI/AAAAAAAAHmU/Nnyxh9-J_OEEhwUzBdYlAHmkI0004cxUwCLcBGAsYHQ/s400/screen-13.57.29%255B20.04.2020%255D.png
https://1.bp.blogspot.com/-xXYyJ0HrUyA/Xp069Kt4bfI/AAAAAAAAHmU/Nnyxh9-J_OEEhwUzBdYlAHmkI0004cxUwCLcBGAsYHQ/s72-c/screen-13.57.29%255B20.04.2020%255D.png
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2020/04/sabong-tuluyang-babagsak-dahil-sa-covid.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2020/04/sabong-tuluyang-babagsak-dahil-sa-covid.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy