Sa Pagbabalik ng Sabong

SHARE:

-Sa panulat ni Jaime Marciano             Parang tumigil ang mundo ng mga sabungero dahil sa Covid-19. Nawalan kasi tayo ng liba...




-Sa panulat ni Jaime Marciano

            Parang tumigil ang mundo ng mga sabungero dahil sa Covid-19. Nawalan kasi tayo ng libangan at kabuhayan naman sa iba. Kaya marahil ay inip na inip na ang marami at umaasang matapos na ang virus kung hindi man ay tuluyan nang bumaba ang Covid cases sa bansa.

            Ito ay isang maliit na mungkahi lamang po mula sa isang simpleng magmamanok katulad ko. Bago buksan ang mga paaralan, i-testing muna sa sabungan. Una, dapat may sapat na bilang lang ang papasukin. Let’s say, 100 lang sa simula. Pagpasok, may listahan at ilalagay d’yan ang pangalan, address at contact number. ‘Yung number nila sa listahan ay magsisilbing passes nila at dapat isabit sa katawan habang nasa loob. Pabor ito sa lahat.  Magiging madali na kasi sa contact tracing just in case. Sa sabungan, alam mo mo kung ilan ang mga pumasok. Maging tapat lang sa paglalagay ng impormasyon. Mas mainam kung magpapakita ng ID para ito ay maberipika.

            Kailangan may representative ang health unit at LGU para sa strikto na pagpapatupad. May thermal scanning at ibang check up kung kinakaillangan. Dapat din may additional monitor or TV sets sa bawat sulok ng sabungan. Ito ay para maiwasan ang pagkakadikit-dikit ng mga tao. Ipagbawal ang pagsisigarilyo at dapat maglaan ng smoking area. May batas na ukol dito.

            Lagyan ng marka ang dapat puwestuhan ng mga sabungero kagaya nang ginagawa na sa ibang mga establisyemento. Dapat ay naka-face mask ang lahat at ang sinumang lalabag ay palalabasin kaagad at ‘di na papasukin muli sa sabungan. Kung maaari nga ay ma-ban na sa lahat ng sabungan para magtanda!

            Sa pagpupustahan naman, bawal ang labis na hiyawan at dapat senyas na lang ng kamay ang karaniwang gagawin. Iwasang sumigaw ng logrong "lo dyes at dos  tres". Kayang-kaya ‘yan kung tatanungin. Bakit kamo? Basta sabungero kayang-kayang sumugal sa laro ng buhay. Kaya sa muling pagbabalik ng sabong ay sundin lamang ang mga regulasyon na ipapatupad ng ating gobyerno para wala tayong maging problema. Hintayin na lang natin ang anununsiyo Gaming and Amusement Board kung kalian magbubukas ang mga sabungan.

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Sa Pagbabalik ng Sabong
Sa Pagbabalik ng Sabong
https://1.bp.blogspot.com/-twweldutV0E/Xs49kuV3U0I/AAAAAAAAH7o/VVKyuMvFOJMOc6LFdp8C4jaxgQ-Q4eC9QCPcBGAYYCw/s400/screen-18.13.42%255B27.05.2020%255D.png
https://1.bp.blogspot.com/-twweldutV0E/Xs49kuV3U0I/AAAAAAAAH7o/VVKyuMvFOJMOc6LFdp8C4jaxgQ-Q4eC9QCPcBGAYYCw/s72-c/screen-18.13.42%255B27.05.2020%255D.png
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2020/05/sa-pagbabalik-ng-sabong.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2020/05/sa-pagbabalik-ng-sabong.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy