Tradisyunal na sabong, babagsak na ba dahil sa online sabong?

SHARE:

Picture credit: Texas Cockpit Arena  Sa panulat ni Makuri Makuru Sa pagkasara ng mga sabungan sa iba't ibang panig ng bansa sanhi...

Picture credit: Texas Cockpit Arena 

Sa panulat ni Makuri Makuru

Sa pagkasara ng mga sabungan sa iba't ibang panig ng bansa sanhi ng Covid, maraming nawalan ng hanapbuhay. Kabilang na r'yan ang nagtatrabaho mismo sa sabungan- mga staff, kristo, mananari, sentensyador, vendor at iba pa.

Ngayon nga ay napag-uusapan na ang magiging set up o magiging new normal sa mga sabungan kapag naibalik na ang sabong. Pero wala pa rin itong katiyakan hangga't di pa nawawala ang Covid. Kahit sabihin na natin maibalik at may banta pa rin ng Covid. Kahit mayroong mga safety measure pa ay delikado pa rin para sa mga pupunta sa sabungan. Puwede kasing makalusot ang asymptomatic o walang sintomas. Kaya't malamang na kakaunti lang ang magsasabong dahil takot na mahawaan. Maliban na lang kung matindi talaga ang pagkasabik sa sabong. Kaya nga may nagtutupada pa rin kahit alam na delikado.

Kaya naman ang tanong, malilipat na ba sa online ang sabong? O tuluyan nang babagsak ang tradisyunal na sabong dahil papatayin na ito ng online sabong?

Kapag nangyari 'to lalong dadami ang mga website na nagpapalabas ng sabong. Ngayon pa nga lang ay samu't sari na ang iyong makikita sa social media. Mayroon nang mga nawala dahil ilan sa kanila ay fly by night lang o kolurom, 'ika nga. Maaari rin namang na-blocked na ang url ng kanilang website. Bawal kasi ang magpromote ng sugal o karahasan (mapa-hayop man o tao) sa Fb. Dito pa naman kumakakalap ng maraming traffic ang isang website. Maliban na lang kung sobrang kilala na ng website na kusang pinupuntahan ng mga tao. Iilan bang online sabong ang masasabing talagang matatag na?

Ang pagkakaalam namin, mga OFW lang ang target ng online sabong. Pakitama kung mali, sa abroad lang kasi ang sakop ng kanilang lisensya. Nagkaroon kasi ng online sabong para sa mga nasa abroad na gustong makapanood ng mga laban dito sa Pilipinas.  Pero nagawan na nila ito ng paraan, may app silang ginagamit para maka-access ang mga nasa Pinas.

Makuri Makuru

Tanong pa rin, papayag ba ang gobyerno natin na bigyan ng lisensya ang mga mag-aapply pa na mga online sabong? Hahayaan ba nila na magsugal ang mga sabungero ngayong panahon ng pandemic kung saan halos lahat ng mga tao ay dumadaing sa kanila?

Sa tanong na kung papatayin ng online sabong ang tradisyunal na sabong, maaaring oo, pwede rin namang hindi. Nakadepende ito sa kagustuhan ng mga sabungero. Kung magtatagal pa ang pagkawala ng sabong, posibleng sa online nga sila bumaling.

Ang kagandahan kasi sa online sabong basta't may cellphone ka at internet ay puwede ka nang maglaro.  Sa isang pindot lang ng daliri ay abot-kamay mo na ang sabong!

Pero iba pa rin ang tradisyunal na sabong. Aktuwal mong nakikita ang mga manok kaysa screen lang. Iba pa rin kung maririnig mo ang sigawan ng mga tao. Nakaka-excite talaga.

'Di ba puwede na pareho natin silang tangkilikin? Huwag nating iwawaglit ang nakasanayan na dahil parte na ito ng ating kultura. Magkagayun man dapat na rin tayong tayong sumabay sa agos ng teknolohiya.

Ang magandang balita, mga kasabong, may natuklasan ng gamot sa Covid sa US, ito ang Remdesivir. Dumaan na ito sa human trial at dadagdagan na lang ng ibang gamot. Aprubado na rin ito sa Japan. Sabi nga ni Doc Willie Ong dapat nang umorder o pumila ang gobyerno para masupplayan tayo ng gamot.

Sana nga ay matapos na itong pandemic para bumalik na sa normal ang lahat pati ang minamahal nating isport.

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Tradisyunal na sabong, babagsak na ba dahil sa online sabong?
Tradisyunal na sabong, babagsak na ba dahil sa online sabong?
https://1.bp.blogspot.com/-7-f_b8L2itY/XrT01tgwGVI/AAAAAAAAHwI/MxpHVj7t3p83_CZ9PpnUU1lkCb6BdXujwCLcBGAsYHQ/s400/received_3171834906184507.jpeg
https://1.bp.blogspot.com/-7-f_b8L2itY/XrT01tgwGVI/AAAAAAAAHwI/MxpHVj7t3p83_CZ9PpnUU1lkCb6BdXujwCLcBGAsYHQ/s72-c/received_3171834906184507.jpeg
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2020/05/tradisyunal-na-sabong-babagsak-na-ba.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2020/05/tradisyunal-na-sabong-babagsak-na-ba.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy