Wala pa ring Sabong!

SHARE:

Hay, wala pa ring sabong, mga kaibigan. May kumalat na balita noong nakaraan na nagsasabing puwede na ng 50% ang sabong. Katunayan may n...



Hay, wala pa ring sabong, mga kaibigan. May kumalat na balita noong nakaraan na nagsasabing puwede na ng 50% ang sabong. Katunayan may nakita tayong mga sabungan na naghahanda na sa pagbubukas muli at mayroon na silang regulasyon para maiwasan ang pagsisiksikan ng mga tao.

 Marami pa namang mga sabungero
ang natuwa at sa wakas makakapaglaban uli sila ng manok. Pero napawi ang kanilang tuwa nang malaman nilang bawal pa rin ang sabong sa Modified General Quarantine at Modified Quarantine, iyan mismo ay galing kay Sec. Ano ng DIlLG at sa IATF.

Hindi naman ito nakakabigla, nandito pa kasi ang Covid kaya't bawal pa rin ang mass gathering o pagsasama-sama ng maraming tao, ma-sport o sa entertainment industry. Kahit sabihin pang mayroon naman mga safety measure. Kasi kung pagbibigyan ang isang larangan, paano naman ang iba? Siguradong magrireklamo rin sila. Bakit ang ganyan ay puwede na, samantalang kami hindi pa!

Kaya ang iba nating kasabong nag-iba muna ng linya. Halimbawa, kung kristo sila sa dati sa sabungan ay naghanap muna sila ng ibang paraan para makaraos sa pang-araw-araw nilang buhay. Hindi naman uubra na hintayin na lang nila uli na magkasabong para makabalik na sila sa dating trabaho lalo na't wala ng ayuda sa GCQ at MECQ.

Siguradong umaaray na ang lahat. Ang mga fulltime breeder lalo na 'yung mga kilala ay wala munang benta. Gayung regular ang gastos patuka at sa pag-maintain ng farm. Kaya't tanging magagawa lang nila ay huwag munang magparami ng manok dahil wala namang bumibili.

Hindi lang naman sabong ang lubhang naapektuhan. Maraming kabuhayan at negosyong pinadapama ng Covid. Para saan ba at makakabangon din tayo.

Alalahanin natin na wala pa ring bakuna sa Covid bagama't may mga naririnig tayong mayroon na raw gamot na ilalabas ang isang kumpanya sa ganitong buwan. Pero maganda na rin at least may development na nangyayari kaysa wala. Sana nga ay matapos na ang pandemyang ito para makabalik na tayo sa normal nating buhay at para may sabong na uli!

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Wala pa ring Sabong!
Wala pa ring Sabong!
https://1.bp.blogspot.com/-wIV3W1JwsIw/Xt2Z0y30gCI/AAAAAAAAIKM/FDSoh3pGgSUfJv79W6uNC9GrlViN-JO_ACLcBGAsYHQ/s400/IMG_0926.JPG
https://1.bp.blogspot.com/-wIV3W1JwsIw/Xt2Z0y30gCI/AAAAAAAAIKM/FDSoh3pGgSUfJv79W6uNC9GrlViN-JO_ACLcBGAsYHQ/s72-c/IMG_0926.JPG
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2020/06/wala-pa-ring-sabong.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2020/06/wala-pa-ring-sabong.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy